Vina wagi sa kaso ni Lee

Panatag na ang loob ni Vina Morales ngayong dismissed na ang lahat ng kasong isinampa sa kanya ng dating kasintahan, at ama ng kanyang anak, si Cedric Lee.

The post Vina wagi sa kaso ni Lee first appeared on Abante.

vina wagi sa kaso ni lee - Vina wagi sa kaso ni Lee
Vina Morales - Vina wagi sa kaso ni Lee

Panatag na ang loob ni Vina Morales ngayong dismissed na ang lahat ng kasong isinampa sa kanya ng dating kasintahan, at ama ng kanyang anak, si Cedric Lee.

Sa video na pinoste ni Vina sa Instagram, ibinahagi niya sa caption ang pagkatig sa kanya ng korte sa pinakahuling kasong libel na hinarap niya.

“Gusto ko lang po i-share sa inyo eto dahil napakalaking epekto pagsubok ang pinagdaanan ko, ng anak ko at buong pamilya ko ng ilang taon. Pasensya na sa mata kong maga dahil umiyak ako kagabi (nag make up cover ayun puno ng foundation ang mask ko) nalaman ko na may court hearing ako today, syempre dahil sa pandemya takot po ako lumabas. Pero kailangan umattend kami ni Atty @lucillesering, Sinusulat ko eto na naiiyak dahil po thankful at grateful po ako kay Atty. Lucille na hindi nya kami pinabayaan ni Ceana sa mga laban ng napakadami pong kaso simula pa nung 2013. Salamat din sa assistant niyang si Ate Glenda at Atty @seringdepity sa tulong. Today po dismissed na po ang Caloocan case na simula pa nung 2018. Na dismissed na rin po ang *Nueva Ecija, *Pasig City, *Paranaque City, *Mandaluyong, *Quezon City, at ngayon Caloocan city. Gusto ko lang pong magpasalamat sa lahat po ng tumulong at nagdasal po sa amin. Alam nyo kung sino kaya at Diyos na lang po ang bahala sa inyo,” sabi ni Vina.

Ayon kay Vina ang natitirang kaso na lang ay ang nasa San Juan City RTC. Positibo ang pananaw ni Vina na malalagpasan niya ito.

“Sana matapos na ang lahat ng eto. Move on na po tayo, let’s be thankful and grateful ang also let’s be kind to each other. Thank you Lord Jesus. Good is good all the time.” (Rey Pumaloy)

The post Vina wagi sa kaso ni Lee first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *