Vina katakam-takam sa mga millennial

May asim pa! ‘Yan ang mensaheng mababasa mo sa Instagram photo ni Vina Morales, na kung saan ay naka-swimsuit nga siya. Noon pa man, walang pakialam si Vina kung magpakita ng kanyang alindog, at sabi nga nila, walang kupas, at seksing-seksi pa rin ito, kahit nagkakaedad na.

The post Vina katakam-takam sa mga millennial appeared first on Abante News Online.

vina katakam takam sa mga millennial - Vina katakam-takam sa mga millennial
vina - Vina katakam-takam sa mga millennial

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Vina katakam-takam sa mga millennialMay asim pa! ‘Yan ang mensaheng mababasa mo sa Instagram photo ni Vina Morales, na kung saan ay naka-swimsuit nga siya. Noon pa man, walang pakialam si Vina kung magpakita ng kanyang alindog, at sabi nga nila, walang kupas, at seksing-seksi pa rin ito, kahit nagkakaedad na.

Katuwa lang na karamihan sa mga nagku-comment ay mga millennial, at ang lakas pa nga raw ng dating ni Vina sa kanila.

cristlesantos, “Wow ! Hot momma super sexy Vina.”

pogiforever1, “Grabe, may asim pa pala si Vina. Kala ko gurang na sya, hindi pala.”

jhon_key_tarigan, “Beautiful and sexy.”

mikedcruz23, “Hot AF! @vina_morales.”

vazhuvakode27, “Sexy.”

bhing1214, “Strong woman. idol na idol kita umpisa bata pa ako at paulit ulit kung pinapanood mga movie mo.”

byorn_zjyorn, “Ganda na sexy pa!”

Abraham Lane, Northdrive, Kilos namamayagpag sa music scene

Unti-unti ay nag-iingay na sa music scene ang grupong Abraham Lane, isang Filipino pop band, na kumanta ng “Mali Na Ako” na very catchy ang melody. Kaya hindi kataka-taka na ang GMA Network ay napili silang kumanta ng theme song ng newest Koreanovela nila, ang “My Sassy Girl.”

Samantala, ang isa pang banda na Northdrive na nag-launch din ng kanilang album, ang “Coming Home” last March 23, 2019 sa Kart City in their hometown of Tarlac, ay pinag-uusapan na rin ngayon. Kinanta nila ang mga laman ng album nila tulad ng “Tablado”, “Ating Sigaw”, “Di Na Ba Tayo” at ang kanilang anthemic ballad na “Pa­ngako” na ngayon ay naka-1.4 million streams online.

Bonggang-bongga rin ang pagbabalik ng bandang Kilos, ang kumanta ng “Darating, Aalis” which was featured in the GMA TV series “The Le­gend of Zu.” Their latest release pays homage to their musical heroes as they perform their version of Coldplay’s “Fix You.”

Ang Abraham Lane, Northdrive at Kilos ay under Curve Entertainment Inc. at available na ang mga awitin nila sa digital music platforms.

Jhai Ho, Joco Loco nagsalo sa ‘Agey Agey’

Nagsanib-puwersa muli ang MOR 101.9 DJs na sina Jhai Ho at Joco Loco para naman sa isang recording project sa masayang no­velty single na pinamatang “Agey Agey Hey.”

Ang upbeat song ng “Playlist Pa MORe” radio hosts ay mula sa “aguy,” ang salitang Bisaya para sa “aray” at ginawang ‘agey’ naman sa gay lingo. Handog ito ng Lodi Records ng ABS-CBN Music at prinodyus ni Rox Santos.

“Madalas expression ko ang Agey, so naisip namin ng friends ko one day na sumulat ng no­velty song na para sa mga taong pinaasa, umasa at hoping sa pag-ibig, ganern,” kuwento ng “Showbiz Pa More” host.

“Dahil novelty naman ito ‘pag na-hurt ka i-‘Agey Agey Hey’ mo na lang para kahit masakit ang lyrics nang slight, taas-noo ka at ine-enjoy mo na lang at tinatawanan para mabilis ang reco­very,” dagdag pa niya.

Ibinahagi rin ni DJ Jhai Ho na magkasama nilang binuo ni Joco Loco ang lyrics ng awitin. Aniya, “Ako sa story na madami makaka-relate, lalo ang mga beks, tapos siya ‘yung rap part na parang ‘nanenermon’ para iwas sa pagiging tanga sa pag-ibig.”

Pakinggan ang “Agey Agey Hey” sa Spotify at maaaring i-request ang kanta gamit ang #AgeyAgeyHey at #DysIsIt sa Twitter at Facebook upang mapakinggan ito sa MOR.

Abangan rin ang paglulunsad ng music video nito sa MYX at ABS-CBN Star Music YouTube channel.

The post Vina katakam-takam sa mga millennial appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *