Vilma, Goma, Lucy, Alfred waging-wagi

Mga biggest winner sa local elections sina Isko Moreno, Vico Sotto at Francis Zamora.

The post Vilma, Goma, Lucy, Alfred waging-wagi appeared first on Abante News Online.

vilma goma lucy alfred waging wagi - Vilma, Goma, Lucy, Alfred waging-wagi
ABANTE vilma lucy richard - Vilma, Goma, Lucy, Alfred waging-wagi

abante i know better jun nardo 336x224 - Vilma, Goma, Lucy, Alfred waging-wagiSheryl, Edu, Richard Yap pawang luhaan
Gary, ER, Jerika Estrada puro talunan

Mga biggest winner sa local elections sina Isko Moreno, Vico Sotto at Francis Zamora.

Pinadapa ni Moreno ang incumbent Manila City Mayor na si Joseph Estrada dahil pulling away ang boto niya sa mahigpit na kalaban. Hindi rin pinalad magwagi bilang konsehal ang anak ni Erap na si Jerika Estrada sa ika-apat na distrito ng Maynila. Hindi umubra ang kasabihang ‘pag buntis eh suwerte, huh!

Ang ilan pang E­strada na hindi pinalad sa eleksyon ay sina Gary Estrada (sa Cainta) at ER Ejercito para sa posisyon ng Laguna governor.

Winakasan naman ni Vico Sotto ang paghahari ng mga E­usebio sa Pasig City.

Panalo ang anak nina Vic Sotto at Coney Reyes bilang mayor ng Pasig.

Ngayong si Vico na ang Pasig City mayor, puwede nang mag-Sugod Bahay sa lugar niya ang “Eat B­ulaga,” huh!

Ang isa pang Sotto na panalo ay si Gian, anak nina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa. Siya ang nanalong vice mayor ng Quezon City at tinalo ang kalabang sina R­oderick Paulate at Jopet Sison.

Namayani na ang mga Zamora laban sa mga Estrada sa San Juan City. Pinataob ni Francis ang kalabang si Janella Estrada bilang chief exe-cutive ng San Juan City.

Sa lungsod ng Pasay, hindi pinalad ang Kuya Chet Cuneta ni S­haron na tapusin ang pamamayani ng mga Calixto. Kung si Shawie kaya ang tumakbo sa Pasay, may chance na manalo pa siya? ‘Yun nga lang, ayaw niya talaga sa politika!

Pagdating naman sa posisyong konsehal sa Manila, panalo ang father ni Mikee Quintos, si Wardee Quintos, sa Sampaloc habang talo si Sheryl Cruz sa una niyang sabak sa politika.

Ang former couple, Congresswoman Vilma Santos-Recto at Edu Manzano ay taliwas ang naging kapalaran sa election. Reelected si Ate Vi bilang congresswoman ng Lipa City habang talo si Edu sa pagka-congressman ng San Juan City.

Kabaligtaran nila ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez. Kapwa sila nanalo bilang congresswoman at mayor ng Ormoc.

Ang ilan pang artistang congressman na nanalo sa distrito nila ay sina Yul Servo sa Manila at si Alfred Vargas sa QC.

Inaalam din namin kung ano ang naging kapalaran ni Richard Yap na lumaban bilang congressman sa isang distrito sa Cebu City. Ikinampanya siya nina Vice Ganda, Jodi Sta. Maria at iba pang artista. At sa huling nakalap kong kuwento, talo rin siya sa kanyang kalaban sa Cebu.

You win some, you lose some! Sa nanalo, pagbutihin ang serbisyo at sa natalo, better luck next time!

The post Vilma, Goma, Lucy, Alfred waging-wagi appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *