Vilma, Amalia, Celia, Anita, Lorna, Tirso, Boyet, Erap, Eddie, Dante pararangalan sa 3rd Eddys

Sampung nirerespeto, tinitingalang alagad ng sining ang bibigyang-parangal sa gaganaping 3rd E­DDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa Hulyo.

The post Vilma, Amalia, Celia, Anita, Lorna, Tirso, Boyet, Erap, Eddie, Dante pararangalan sa 3rd Eddys appeared first on Abante News Online.

vilma amalia celia anita lorna tirso boyet erap eddie dante pararangalan sa 3rd eddys - Vilma, Amalia, Celia, Anita, Lorna, Tirso, Boyet, Erap, Eddie, Dante pararangalan sa 3rd Eddys
eddys - Vilma, Amalia, Celia, Anita, Lorna, Tirso, Boyet, Erap, Eddie, Dante pararangalan sa 3rd Eddys

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Vilma, Amalia, Celia, Anita, Lorna, Tirso, Boyet, Erap, Eddie, Dante pararangalan sa 3rd Eddys
Sampung nirerespeto, tinitingalang alagad ng sining ang bibigyang-parangal sa gaganaping 3rd E­DDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa Hulyo.

Ang 2019 EDDYS Icon honorees ay sina Amalia Fuentes, Vilma Santos, T­irso Cruz III, Christopher de Leon, Joseph Estrada, Eddie Gutierrez, Dante Rivero, Celia Rodriguez, Anita Linda at Lorna Tolentino.

Samantala, bilang bahagi ng selebrasyon ng sentenaryo ng pelikulang Pilipino, kikilalanin din ng SPEEd, katuwang ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Chairperson Liza Dino, ang ilang “unsung heroes” sa likod ng kamera.

Sila ang mga manggagawa na patuloy na nag-aalay ng ‘di matatawarang oras, lakas, at talento para pagandahin ang isang proyekto sa loob ng mahabang panahon.

Kasama rin sa listahan ang pagkilala sa tatlong major s­tudios na nagsisilbing inspirasyon sa mga bagong player sa industriya: Ang Sampaguita Pictures, LVN Studios, at Premiere Productions.

Narito ang honorees sa Parangal Sa Sandaan: LVN Pictures’ Maroth de Leon, Premiere Productions’ Digna Santiago, Sampaguita Pictures’ Marichu Vera-Perez Maceda, Armida Siguion-Reyna, Val Iglesias, Vic Delotavo, Romy Vitug, Romy Peralta, Lucy Quinto, Val Campbell, Rustica Carpio at Rosa Rosal.

Ang Sandaang Taon ng Pelikulang Filipino ay itinakda sa pamamagitan ng Presidential Proclamation 622 Series na nilagdaan noong Nobyembre.

Ang FDCP ang itinalagang lead agency ng selebrasyong ito.

Nauna nang inihayag ng SPEEd ang mga nominado sa iba’t ibang kategorya ng 3rd E­DDYS.

Maglalaban-laban ang limang de-kalibreng pelikula sa kategoryang pinakamagaling na pelikulang Filipino ng 2018.

Ito ay ang “Citizen Jake”, “Goyo”, “Liway”, “Rainbow’s Sunset” at “Signal Rock.”

Ang pagbibigay ng award ng SPEEd ay isang paraan para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pa na bumuo ng makabuluhan at de-kalidad na pelikula.

Ang SPEEd ay samahan ng mga entertainment editor ng major broadsheets at tabloids sa bansa, sa pangunguna ni Ian F. Farinas bilang presidente. Si Isah Red ang chairman emeritus ng organisasyon.

The post Vilma, Amalia, Celia, Anita, Lorna, Tirso, Boyet, Erap, Eddie, Dante pararangalan sa 3rd Eddys appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *