Vilma, Aga, Gabby, Maricel, Juday inisnab ang Sine Sandaan

Sa dami ng mga binigyang-recognition ay inabot ng limang oras ang programa ng Sine Sandaan Centennial Celebration ng Philippine Cinema, na proyekto ng FDCP na pinamamahalaan ni Chairman Liza Diño-Seguerra.

vilma aga gabby maricel juday inisnab ang sine sandaan - Vilma, Aga, Gabby, Maricel, Juday inisnab ang Sine Sandaan
stars 1 - Vilma, Aga, Gabby, Maricel, Juday inisnab ang Sine Sandaan

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 9 336x224 - Vilma, Aga, Gabby, Maricel, Juday inisnab ang Sine Sandaan

Sa dami ng mga binigyang-recognition ay inabot ng limang oras ang programa ng Sine Sandaan Centennial Celebration ng Philippine Cinema, na proyekto ng FDCP na pinamamahalaan ni Chairman Liza Diño-Seguerra.

Ginanap ito sa New Frontier Theater, Araneta, Cubao nu’ng Huwebes (Sept. 12, 2019).

Binusisi at hinimay nang husto ni Chair Liza at ng kanyang team ang lahat ng kategoryang bumuo ng Philippine cinema, mula sa kaliit-liitang bahagi ng production staff.

Binigyang-recognition din ang mga film theater, producer, manager, showbiz press, award-giving bodies (regionals), director, music composer, at iba pa.

Lahat ng gumaganap sa pelikula ay ipinakilala sa programa: action stars, leading ladies, leading men, child stars, teen stars, kontrabida, living legends, indie actors, iconic stars at iba pa.

Pinuri ang effort ni Chair Liza sa pagbuo nito ng celebration na ayon kay John Arcilla ay international red carpet approach na mala-awarding sa abroad ang dating.

Naging emosyonal si Chair sa kanyang speech sa laki ng malasakit niya at pagmamahal na ma-uplift ang film industry at maging big time sa international market.

Bagama’t matagal tumakbo ang event, na-entertain ang mga dumalo sa programa at sa walang patid na food servings at drinks. Marami man ang hindi dumating na big stars, naroon naman ang mga malalaki ring pangalan gaya nina Nora Aunor, Eddie Gutierrez, Angel Locsin, Vice Ganda, Anne Curtis, Bea Alonzo, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Alden Richards, Coco Martin at marami pang iba.

Sayang at inisnab nina Cong. Vilma Santos, Aga Muhlach, Ormoc Mayor Richard Gomez, Gabby Concepcion, Maricel Soriano, Dina Bonnevie, Dawn Zulueta, Regine Velasquez, at Judy Ann Santos ang programa.

Maghihintay pa sila ng panibagong 100 years para ma-experience nilang maging bahagi sa ganitong cinema celebration.

Congratulations sa Sine Sandaan, FDCP at sa buong film industry.

Angel, Neil sa 2020 pa ang kasal

Kinumpirma ni Angel Locsin na next year pa ang kasal nila ng film producer na si Neil Arce. ‘Yan ang sabi ni Angel sa panayam ng “Abantelliling” sa kanya sa red carpet ng Sine Sandaan, nitong Huwebes ng gabi sa New Frontier Theater, Cubao.

Ayon kay Angel, magtatapos na ang serye niyang “The General’s Daughter” kaya mabibigyan na niya ng atensyon ang preparasyon sa kanyang kasal.

Tumanggi muna si Angel na magbahagi ng ilang impormasyon sa kasal lalo at wala pa raw frame ang programa. Nangako naman ang Kapamilya actress na magsi-share sa kanyang fans ng detalye ‘pag nabuo na ito.

Ipinagtanggol ni Angel ang kanyang fiance na naging matipid sa pagtalakay sa kasal nila.

Sabi ng nangingiting female action star, likas na mahiyain ang kasintahan kahit nasa showbiz din ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *