Vico damay sa panlalait kay Tito Sen

Patuloy namang nakakatanggap ng pagtuligsa si Sen. Tito Sotto na binansagan na ngayong “isda” ng mga netizen.

The post Vico damay sa panlalait kay Tito Sen appeared first on Abante News Online.

vico damay sa panlalait kay tito sen - Vico damay sa panlalait kay Tito Sen
ABANTE vico 1 - Vico damay sa panlalait kay Tito Sen

abante ambuzz ambet nabus 336x224 - Vico damay sa panlalait kay Tito SenPatuloy namang nakakatanggap ng pagtuligsa si Sen. Tito Sotto na binansagan na ngayong “isda” ng mga netizen.

Despite the press statement na inilabas ng kanyang opisina concerning the issue at pagsabi niyang bunga lamang ng ‘tongue and cheek’ expression ang kanyang mga sinabi, mas madami pa ring negatibong reaksyon ang lumabas, kahit na sa mga taga-showbiz.

Kahit ang pamangkin niyang newly-elec-ted Mayor ng Pasig na si Vico Sotto ay pinasaringan din ng mga netizen bilang kagaya raw ng tito nito na mahilig dumaldal, tumabil at magsalita sa mga isyung “tongue and cheek.”

Hay, buhay!

***
Nagkita kami ni Vice Gov. Jolo Revilla last Thursday sa Bacoor Gymnasium at nagkatabi pa kami sa upuan habang sinusuportahan ang Bacoor City Strikers team sa MPBL.

Nalurkey si Jolo (pati si Sen. Bong na kami mismo ang nasa likod nila hahaha) sa lakas naming sumigaw at makipag-away sa mga referee at mga player during the game, though aminado rin siyang sa ganda ng laro ay “carried away” rin siya sa mga kantiyawan.

Pero hindi siya na-‘carried away’ sa tanong namin kung totoong by December this year ay mag-walk down the aisle na sila ng GF niyang si Angelica Alita.

“Isa ka sa mga unang makakaalam promise. Pero wala pa talaga,” ang diretso nitong sagot sa amin.

But judging from the way he looks and smiles, iba ang aura ni Jolo at hindi maitatangging super inlababo ito sa ngayon.

Jolo super inlababo kay Angelica

Inspired lang si Joseph Marco sa kanyang kuya Jake Cuenca na masayang-masaya ang love life sa current GF nitong si Kylie Verzosa. Dahil katrabaho ni Marco sina Jake at Kylie, lagi raw nitong nakikita ang magandang bonding ng dalawa kaya naman pinupursige raw ng hunk actor ngayon ang magkaroon din ng bonggang love life.

Sa pag-amin nga nitong dine-date niya ngayon ang Miss Earth Philippines na si Celeste Cortesi, marami ang nagsasabing naimpluwensyahan marahil ni Jake si Joseph, pagdating sa beauty queen bilang GF.

Matagal-tagal na ring walang inaaming karelasyon si Joseph at kung very soon ay magiging sila ni Celeste, sure kaming mas enjoyable ang bon-ding nila ng kanyang kuya Jake, na tinatawag na rin ngayong Mr. International dahil sa laki raw ng hawig nito sa GF na si Kylie.

The post Vico damay sa panlalait kay Tito Sen appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *