Vice wagi sa ‘Magpasikat’

Literal na bumaha ng wig sa Resorts World Manila stage dahil sa isa na namang unkabogable performance ni Vice Ganda para sa “Magpasikat 2019” ng “It’s Showtime”.

vice wagi sa magpasikat - Vice wagi sa ‘Magpasikat’
vice ganda 7 - Vice wagi sa ‘Magpasikat’

Literal na bumaha ng wig sa Resorts World Manila stage dahil sa isa na namang unkabogable performance ni Vice Ganda para sa “Magpasikat 2019” ng “It’s Showtime”.

Inialay niya ang kanyang performance sa mga may sakit na alopecia, na “the partial or complete absence of hair from areas of the body where it normally grows; baldness” ayon sa pagsasaliksik.

“I’ve had enough, this is my prayer, that I’ll die living just as free as my hair,” parte ng lyrics ng kantang “Hair” ni Lady Gaga na kinanta ni Vice sa kanyang “Magpasikat” performance.

Kilala si Vice na palaging naka-wig dahil nga napapanot na rin ito. Kahit pa ganito, ilang beses na rin niyang ipinakita ito sa madlang pipol na hindi siya nahihiya kahit pa ganto na ang buhok niya.

Tumatak sa performance ni Vice ang batang may sakit na alopecia na kumanta ng “Creep” na may lyrics na “I don’t belong here”, at mangiyak-ngiyak pa dahil tila ikinahihiya nito ang kanyang sakit. Ngunit pinakalma siya ni Ate Vice at inudyukang huwag itong ikahiya.

Normal na sa mga may sakit na ganto ang magsuot ng wig. Ani Vice, “Malaking bagay na mahal natin ang sarili natin at tanggap natin ang sarili natin, kung anong itsura natin.

“Pero iyong paglalagay ng wig, sana maunawaan din natin na ‘yung mga taong nagwi-wig ay hindi dahil hindi nila tanggap ang itsura nila – iyon ay proteksyon nila sa mga mapapait na salita at pangungutya dahil maraming hindi nakakaunawa sa karamdaman nila.”

Nandyang lumambitin, sumirko, at hataw kung hataw si Vice habang papalit-palit ng wig kada eksena. Nakakamangha din ang special effects kung saan ipinakitang tila nasa iisang stage ang mga ginampanang karakter ni Vice sa kanyang mga pelikula.

Guest sa performance ni Vice si Dawn Zulueta na beautiful as always.

Unkabogable talaga ang pinamalas ni Vice sa “Magpasikat” kaya naman siya ang nag-uwi ng premyong P1 million para sa napili niyang charity. (Jun Lopez)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *