Vice tuloy ang banat sa mga pa-woke

Unaffected nga si Vice Ganda sa ‘shopping’ issue sa kanya, mula sa mga netizen na tinawag niyang pa-woke. Katunayan, idinadaan niya sa pang-aasar, at lalo nga niyang ipinapakita sa kanyang Instagram story ang mga ginagawa niyang pagpapabongga sa buhay niya sa Canada ngayon.

The post Vice tuloy ang banat sa mga pa-woke appeared first on Abante News Online.

vice tuloy ang banat sa mga pa woke - Vice tuloy ang banat sa mga pa-woke
vice 2 - Vice tuloy ang banat sa mga pa-woke

Nanay todo shopping sa Canada

Unaffected nga si Vice Ganda sa ‘shopping’ issue sa kanya, mula sa mga netizen na tinawag niyang pa-woke. Katunayan, idinadaan niya sa pang-aasar, at lalo nga niyang ipinapakita sa kanyang Instagram story ang mga ginagawa niyang pagpapabongga sa buhay niya sa Canada ngayon.

Makikita nga sa IG ni Vice ang chikahan nila ng mader niya:
“Gusto mag-shopping ng baby?” tanong ni Vice sa nanay niya.

“Wala na mapaglagyan anak, bumili na nga ako ng maleta,” sagot naman ng nanay niya.

“Wow naman! O diaper na lang ibibili ko sa iyo mamaya!” sabi ni Vice.
Meaning, sangkatutak na talaga ang na-shopping ng nanay ni Vice, na kinailangan na nilang bumili ng bagong maleta, ha!

“Hashtag feeling privileged. Hahahahaha!!” sabi pa niya sa isang IG story niya.

Heto naman ang Instagram post ni Vice habang nakasakay sila sa eroplano:
“Pauwi na kami galing ng Amerika at Canada. Naaalala ko pa noong bata pa ako lagi akong bitbit ng Nanay ko kung saan man sya pupunta.

“Kung kayang lakarin maglala­kad lang kami. Kung di naman magta-tricycle kami o sasakay ng jeep. At tuwing sasakay kami ng tricycle o ng jeep lagi nya akong kinakandong. Yun ay para isa lang ang bayad. Kasi nga kapos sa pera. Mainit, masikip at masakit sa binti. Kawawa. Pero tinitiis nya yun.

Pero masaya rin naman siguro sya kasi nakayakap lang sya sa bunso nyang si Tutoy habang bumabyahe.

“Malinaw sa isip ko bata pa lang ako na hindi madali ang buhay namin. Kaya nagsumikap ako. Nagsakripisyo. Nag ipon. Di ko pinalampas ang mga pagkakataon. Kaya naman ngayon na nakakaluwag luwag na ko naka BUSINESS CLASS na sya.

“Gumastos man ako ng malaki sisiguraduhin kong kompor­table ang Nanay ko. Walang ngalay. Walang ngawit. Walang init. Hanggang sa huling sentimo ng naipon ko gugugulin ko sa Nanay ko. Tapos na ang mga panahon ng pagdurusa nya. Isinusumpa ko tatanda syang maginhawa.”
Well… (Dondon Sermino)

The post Vice tuloy ang banat sa mga pa-woke appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *