Vice tinalakan si Angelica dahil kay Zanjoe

Riot ang guesting­ ni Angelica Panganiban sa “Gandang Gabi Vice.” Kuwela pa rin ang “Kuryentanong” segment na kapag may tanong sa iyo at nakuryente ka, ang ibig sabihin noon ay nagsisinungaling ka.

The post Vice tinalakan si Angelica dahil kay Zanjoe appeared first on Abante News Online.

vice tinalakan si angelica dahil kay zanjoe - Vice tinalakan si Angelica dahil kay Zanjoe
Untitled 3 42 - Vice tinalakan si Angelica dahil kay Zanjoe

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Vice tinalakan si Angelica dahil kay ZanjoeRiot ang guesting­ ni Angelica Panganiban sa “Gandang Gabi Vice.” Kuwela pa rin ang “Kuryentanong” segment na kapag may tanong sa iyo at nakuryente ka, ang ibig sabihin noon ay nagsisinungaling ka.

Anyway, may mga tanong nga ang mga kaibigan ni Angelica na idinaan sa video.

“Wala!” ang sagot ni Angelica sa tanong ni Pooh na sa mga ex-boyfriend niya ay kung sino ang puwede niyang bigyan ng chance. Pero, nakuryente si Angelica.

“Sinungaling siya!” giit ni Angelica sa laruan.

“Nagsisinungaling ka!” sumbat ni Vice Ganda kay Angelica.
“Oh, sige! Pahahabain pa ba natin?” reaksiyon ni Angelica.

“Na-in love ka ba (ulit) kay Carlo Aquino?” ‘Yan naman ang tanong ni John Prats.
“Hindi!” sagot ni Angelica, at muli siyang nakuryente. “Muntik lang…” sey ni Angelica.
“Bakit ako nakur­yente? Baks, pini-playtime niyo na ako!” sabi ni Angelica na patawa-tawa.
“Na-fall ka ba kay Zanjoe?” Ganyan naman ang tanong ni Jayson Gainza.
“Hindi, eh!” sagot ni Angelica, at muli siyang nakuryente.
“Hindi nga! (napamura siya).”

“Nakuryente ka, nagsisinungaling ka!” sabi na naman ni Vice.
“Oo nga, no!” patawa-tawang sabi lang ni Angelica.

Iginiit ni Vice kay Angelica na sa tingin niya ay nagka-feelings ito kay Zanjoe, pero pinigilan, o hindi lang nito in-entertain.

“Nakalabit lang! Nakakakilig lang sa mga eksena.
“Kinikilig lang minsan. Siyempre, cute!” patawa-tawang sabi ni Angelica.
Sa huling tanong ay si Zanjoe Marudo na ang nagtanong, pero hindi na video lang, kundi personal. Promo nga nila ‘yon ng “Playhouse” finale.

Tanong ni Vice muna kay Zanjoe ay kung “nakalabit” (meaning nagkaroon ng konting fee­lings, kinilig)?
“Oo naman sa mga eksena. Oo siyempre…” sagot ni Zanjoe.
“Nag-kiss na ba kayo ni Zanjoe?” tanong ni Vice.
“Oo!” sagot ni Angelica.

“‘Yung hindi eksena!” giit ni Vice.
“Hahahahaha!” tawa ni Angelica.

Hinila ni Vice si Zanjoe para isalang sa “Kur­yentanong.”
“Dapat hindi ko kayo ginuest dito sinaktan niyo ako,” sambit ni Vice.
“Nag-kiss na ba kayo ni Angelica?” hirit ni Vice. Pero, tawa muna ang sagot ni Zanjoe, at super tili, na parang umiiyak si Vice.

“No!” sagot ni Zanjoe na patawa-tawa pa rin, at hindi siya nakuryente.
Sa harap ni Angelica, si Zanjoe na ang nagtanong kung na-fall ba ang aktres sa kanya.
“Hindi ko na alam. Hahahahaha!” sey ni Angelica.
“Konti!” sagot ni Angelica.
“Yes or no!” pilit ni Vice.

“Hala, galit na galit, oh!” natatawang sabi ni Angelica.
“Gaganunin ko ang puson mo, sinasabi ko sa iyo. Hindi ka makakatayo! Nanggigigil ako sayo. ‘Wag si Zan­joe!” sabi ni Vice kay Angelica.

“Hala, lalapit-lapit ka pa, talandi ka. Tapos next guesting mo, iiyak na naman tayong dalawa. Lagi na lang tayong malungkot ditong dalawa,” paangil na sabi ni Vice.

Hindi na-ground si Angelica, mea­ning nagsasabi siya ng totoo, na hindi siya na-fall kay Zanjoe.
“Bakit ang landi-landi mo? Bakit mo nilalandi si Zanjoe? ‘Di ba dapat work-work lang? Tadyakan kita sa puson!” paulit-ulit na sabi ni Vice kay Angelica.

Inulit nga ni Vice na nagselos siya na crush ni Angelica si Zanjoe!
Pero sa huli, sinabi ni Zanjoe na masarap ang relasyon nila ni Angelica na naging close sila, na parang magkapatid nga silang dalawa.

“Mas may forever ‘yung ganun, eh!” sabi ni Zanjoe.
“Mahal ko kasi talaga si Zanjoe! Siya ‘yung forever kong love. Na tanggap ko na okey lang na hindi niya ako love, basta love ko siya!” sabi ni Vice.

Sa huli, nagtawanan na lang ang tatlo.

The post Vice tinalakan si Angelica dahil kay Zanjoe appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *