Vice naiyak sa sorpresa ni Kris

Sa March 31 pa ang ika-43rd birthday ni Vice Ganda. Pero kahapon pa lang, halos maiyak na siya sa surpresang dinatnan niya sa kanyang kuwarto.

The post Vice naiyak sa sorpresa ni Kris appeared first on Abante News Online.

vice naiyak sa sorpresa ni kris - Vice naiyak sa sorpresa ni Kris
Abante 2019 Vice Ganda 1 - Vice naiyak sa sorpresa ni Kris

Sa March 31 pa ang ika-43rd birthday ni Vice Ganda. Pero kahapon pa lang, halos maiyak na siya sa surpresang dinatnan niya sa kanyang kuwarto.

Galing nga sa isang bonggang dinner si Vice kasama ang mga kaibigang bading.­ At pag-uwi niya, nakita niya ang pagkarami-raming balloons sa kuwarto niya.

“Oh my God, kanino ito galing?” mari­rinig na sabi ni Vice sa vi­deo niya sa Instagram story.

“Ahhhhhhh, ngayon lang ako na-experience ng ganito. Kanino ito galing?

“Yung card?” sabi ni Vice, sabay focus at basa sa nilalaman ng card.

“Dear Vice, my naudlot na ASAWA—

“Once upon a time, I needed a rainbow after 1 of my biggest heartaches. Happy Birthday to someone who deserves a lifetime of sunshine.
“Love, Kris.”

Yes, galing nga kay Kris ang sangkatutak na colorful na mga lobo, na nagpaluha kay Vice, ha!

“Nakakaiyak. Nakaka-happy naman. Ang ganda. Na-surprise ako nang bongga. Thanks Kris. Thank Bimbs. Thanks Josh. Hay, ang sarap,” sabi ni Vice ulit.
At binasa ulit niya ang isa pang card na galing naman kay Bimby.

“Dear Tito Vice, Because you deserve a whole TEAM! Happy Birthday. I love you for life! Love, Bimby,” ang nakalagay sa card na galing kay Bimby.

“Hahahahahaha! Whole team talaga Bimb. Basketball talaga ito. Ang cute. Ang ganda. I love you Bimb. Nakakatuwa. Natanggal ang stress ko ngayong araw na ito.

“Bongga! What a ­pleasant surprise. I love you guys!” sabi pa ni Vice na hindi maitago ang kaligayahan. (Dondon Sermino)

The post Vice naiyak sa sorpresa ni Kris appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *