Vice nagsisi, hiling ni Cadena ‘di napagbigyan

Bigo sina Sharon Cuneta at Vice Ganda na mabigyan ng regalo ang yumaong vlogger na si Lloyd Cadena.

The post Vice nagsisi, hiling ni Cadena ‘di napagbigyan first appeared on Abante.

vice nagsisi hiling ni cadena di napagbigyan - Vice nagsisi, hiling ni Cadena ‘di napagbigyan
Lyod - Vice nagsisi, hiling ni Cadena ‘di napagbigyan

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Vice nagsisi, hiling ni Cadena ‘di napagbigyanBigo sina Sharon Cuneta at Vice Ganda na mabigyan ng regalo ang yumaong vlogger na si Lloyd Cadena.

Sa Instagram ng Megastar, sinabi niyang nais sana niyang bigyan ng regalo para sa bagong bahay nito si Lloyd, pero hindi ito nangyari. Hinintay raw niyang sabihin ni Lloyd sa kanya kung ano gusto nito, pero mukhang nahiya raw ito.

Pinuri ni Sharon ang pagiging mabait na anak ni Lloyd, at matulunin sa kapwa. Anak-anakan ang turing ni Sharon kay Lloyd.

Sa tweet naman ni Vice, pinagsisihan niya na hindi siya gumawa ng paraan para maibigay ang munting hiling sa kanya ni Lloyd. Kasunod nang pagbahagi ni Vice ng kalungkutan sa pagyao ni Lloyd ang paghingi niya ng sorry.

“Nakakalungkot na ‘di ko naiabot sa’yo yung simpleng hiling mo sa akin dahil sa pandemya. Sana nakagawa ako ng paraan. Sorry Lloyd. Salamat sa pagmamahal mo!!! Mahal din kita! Mahal ka namin. #RIPLloyd,” sabi ni Vice.

***

Kim tagumpay sa Korean dance cover

Sasakyan ng dyowang si Xian Lim ang ginamit ni Kim Chiu sa dance cover niya ng Korean pop song na “Not Shy”. Nakilala ng fan na si @justcallmeayie ang magarang puting sasakyan sa screenshot ng dance video ni Kim.

Ang nasabing sports car ay minsan na ring pinoste ni Xian sa Instagram.

Bumagay sa paggiling ni Kim ang guwapong sasakyan ni Xian.

Tagumpay na naman si Kim na mapag-usapan sa Twitter ang dance cover niya. Sinadya ni Kim na mag-viral dahil ginaya niya ang choreo ng nasabing kanta at ginawan ng video.

***

Ruru nanghina sa alindog ni Bianca

Muling binulabog ni Bianca Umali ang puso ng kasintahan niyang si Ruru Madrid sa pagposte niya ng throwback photo sa beach. Naka-2 piece bikini si Bianca.

Mula sa mayaman na dibdib hanggang sa abs, legs, nagmumura talaga ang alindog ng Kapuso star. Kaya naman nanghina at ‘natunaw’ talaga si Ruru.

At siyempre, pinaulanan niya ng puso ang naturang sexy photo ni Bianca.

***

‘Suman’ gown ni Paolo patok sa netizen

Umalagwa ang pagiging creative ni Paolo Ballesteros sa isang kandidata ng beauty pageant. Pinagsuot ni Paolo ang kandidata na si Honey Cartasano ng design na inspired sa kakanin.

Nakabalandra sa Instagram ni Paolo ang yellow gold gown skirt na suot ni Honey. Ang inspirasyon ng gown ay ang pambalot ng suman.

Nilagyan ng mga layer ang skirt ng gown na hango sa dahon ng niyog.

Si Paolo mismo ang nagbansag na “suman” ang sariling creation. Patok na patok nga sa mga netizen ang naturang gown.

Bukod sa pagiging designer ni Paolo sa kandidata, siya rin ang mentor, stylist nito.

***

Ryza gusto nang manganak

Gusto nang hilahin ni Ryza Cenon ang araw para makapanganak na siya. Nakaposte sa Instagram ang close up photo ng latest ultrasound ng kanyang baby.

Kita na ang mukha ng baby sa loob ng tiyan ng aktres. At sabik na nga ang aktres na makita na ang kanyang baby.

Well, dalawang buwan pa ang palilipasin bago makasama ni Ryza ang baby niya.

***

Ina nangutang ng piano

Kahit may pera at nakatira sa isang malaking bahay sa subdivision, kumukuha pa rin ng hulugan na appliances si Ina Raymundo. Isang follower ni Ina ang nagtanong kung saan nito nabili ang kanyang piano, na sinagot ni Ina na sa isang store sa Makati.

Sinabi rin niyang hulugan ang pagbabayad niya ng piano. Dalawang taon ang paghulog niya sa piano na zero interest.

Anyway, kaya naman nagtanong ang follower tungkol sa piano, tumugtog at kumanta kasi sa video ang anak ni Ina ng “Reflection”.

Nagandahan sa kanta at tunog ng piano ang netizen.

The post Vice nagsisi, hiling ni Cadena ‘di napagbigyan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *