Vice ‘most trusted’ sa Reader’s Digest

Buo ang tiwala ng karamihan ng Pilipino sa ABS-CBN, ayon sa prestihiyosong Reader’s Digest “Trusted Brands Awards” kung saan ginawaran ang Kapamilya network ng Platinum Brand Award kamakailan lang.

The post Vice ‘most trusted’ sa Reader’s Digest appeared first on Abante News Online.

vice most trusted sa readers digest - Vice ‘most trusted’ sa Reader’s Digest
vice ganda 4 - Vice ‘most trusted’ sa Reader’s Digest

Buo ang tiwala ng karamihan ng Pilipino sa ABS-CBN, ayon sa prestihiyosong Reader’s Digest “Trusted Brands Awards” kung saan ginawaran ang Kapamilya network ng Platinum Brand Award kamakailan lang.

Libo-libong Pilipino ang nakilahok sa survey na sinusukat ang tiwala, kredibilidad, kalidad, halaga, inobasyon at serbisyo sa mamimili at sa lipunan ng iba’t iba’t kompanya. Ikaapat na sunod na taon nang tumanggap ang ABS-CBN ng Platinum Brand Award, na ginagawad sa mga kompanyang malawak ang agwat ng boto sa pinakamalapit na ka-kumpitensya.

Samantala, nagwagi rin ang ilang mga personalidad ng Kapamilya network sa ibang ka­tegorya. Pinarangalan si “Kabayan” Noli de Castro bilang Most Trusted TV News and Current Affairs Presenter, habang si Ted Failon naman ang panalo bilang Most Trusted Radio Presenter. 

Umani naman ng tropeong Most Trusted Entertainment/Variety Presenter ang “It’s Showtime” at “Gandang Gabi Vice” host na si Vice Ganda.

Siyam na taon nang pinararangalan ng Reader’s Digest Trusted Brand Awards ang ABS-CBN para sa serbisyong hatid nito sa mga Pilipino sa pamamagitan ng de-kalidad na palabas, inobasyon at serbisyong pampubliko, na kinikilala ng mga Pinoy.

Para sa 2019 awards, higit 8,000 na indibidwal sa Asia Pacific ang sumali sa pagsusuri, kasama ang mga bansang Pilipinas, Singapore, Malaysia, Hong Kong at Taiwan. Limampung kategorya ng produkto at serbisyo sa iba’t ibang industriya, kasama na rin ang mga pinakapinagkakatiwalaang personalidad sa Pilipinas, ang si­nuri ngayong taon. ­(Dondon Sermino)

The post Vice ‘most trusted’ sa Reader’s Digest appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *