Vice isang bag na pera ang regalo sa dyowang si Ion

Sa segment ng ‘KapareWho’ ng “It’s Showtime,” bumuhos ang reaksyon ng mga fan dahil nabanggit nga ang mga regalong ibi­nigay ng komedyante kina Jackie ‘Ate Gurl’ at Ion ‘Escort Boy’ Perez.

The post Vice isang bag na pera ang regalo sa dyowang si Ion appeared first on Abante News Online.

vice isang bag na pera ang regalo sa dyowang si ion - Vice isang bag na pera ang regalo sa dyowang si Ion
vice ganda 3 - Vice isang bag na pera ang regalo sa dyowang si Ion

Sa segment ng ‘KapareWho’ ng “It’s Showtime,” bumuhos ang reaksyon ng mga fan dahil nabanggit nga ang mga regalong ibi­nigay ng komedyante kina Jackie ‘Ate Gurl’ at Ion ‘Escort Boy’ Perez.

Kuwento ni Vice, nagbigay siya ng appreciation kay Jackie nu’ng nasa Guam sila at hindi raw napigilan ni Jackie na maiyak sa natanggap na regalo. Binuksan nga agad ni Jackie ang naturang regalo nu’ng tumalikod si Vice dahil nahihiya raw siya rito.

Branded na belt bag daw ang iniregalo ni Vice kay Jackie at bongga ha dahil mamahalin ang brand na ‘yon! Nagbigay ng clue si Jackie sa publiko kung ano ang brand at unang pagbikas pa lang ng letra ay agad nahulaan na nga ng mga fan ang regalo at hinihiling na sana ay magkaroon sila ng kaibigan na kasing-galante ni Vice.

Nabanggit din ni Vice kung ano ang regalong binigay niya naman kay Ion, isang mamahaling relo na pang-malakasan naman talaga ang brand, very much nakaka-yayamanin!

Anyway, panay nga ang asaran nina Vice at Jhong sa programa. Biglang hirit ni Jhong na nagsese­los siya sa ka-sweet-an ni Vice at Ion.
May biruan pa na binigyan din ni Vice si Jackie ng isang mamaha­ling bag. At si Ion, binigyan din niya ng bag. Isang bag na pera! Na siyempre, dahilan para magtawanan na naman ang mga fan. (Athena Yap)

The post Vice isang bag na pera ang regalo sa dyowang si Ion appeared first on Abante News Online.

1 thought on “Vice isang bag na pera ang regalo sa dyowang si Ion

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *