Vice, Ion nagtutukaan sa harap ng ina

Mabuting anak talaga si Vice Ganda. Para sa ina, gagawin niya ang lahat para mapaligaya ito, sa maliit, o super laki man na paraan.

vice ion nagtutukaan sa harap ng ina - Vice, Ion nagtutukaan sa harap ng ina
vice x ion - Vice, Ion nagtutukaan sa harap ng ina

Dondon Sermino Paistaran 19 336x224 - Vice, Ion nagtutukaan sa harap ng inaMabuting anak talaga si Vice Ganda. Para sa ina, gagawin niya ang lahat para mapaligaya ito, sa maliit, o super laki man na paraan.

Anyway, nag-celebrate nga ng kanyang birthday ang madir ni Vice, at sa isang sosyaling restoran ito ginawa. Simple lang ito, dahil mga malalapit na kaibigan at pamilya lang ang imbitado.

Dinner lang talaga, na may bonggang pa-cake (tatlong masasarap na cake) sa bandang huli.

Siyempre, nasa Instagram story ni Vice ang event na ‘yon. At kitang-kita nga ang pasasalamat ng madir niya sa kanya, dahil sa sorpresang’ yon.

Sa dulo ng video ni Vice, biglang lalabas si Ion Perez, na katabi niya.

At yes, with matching halik pa kay Vice, ha!

Oh, yes! Legal na legal, legit na legit nga ang relasyon nina Ion at Vice sa harap ni Mrs. Viceral. Na kung mag-kiss man sila, okey lang ‘yon sa nanay, at tanggap niya’ yon, para sa ikaliligaya ng kanyang junakis.

Anyway, tuka lang naman ‘yon, beso lang ‘yon, at hindi naman torrid kissing scene ‘yon, no! At parang pabiro lang naman ‘yon, pero puno ng pagmamahal.

Imelda Papin masaya kahit walang dyowa

Yes, kayang-kaya raw punuuin ni Imelda Papin ang Philippine Arena, na may capacity na 55,000, ha! Katunayan, halos 80% na raw ang nabibiling tiket.

Sa Oct. 26 na nga ang concert ni Imelda, ang “Imelda Papin Queen @45: Anniversary Concert”. Prodyus ito ng Dream Wings Production & Papin Entertainment Productions.

Ito nga raw ay pasasalamat ni Imelda sa Diyos, sa mga fan niya.

“Na kahit galing ako sa maliit na lugar, sinabi ko sa Diyos, anak Niyo rin ako. Binigyan Niyo ako ng talent. Na gusto ko lang ma-share sa mga tao.

“Wala ang Imelda Papin kung wala ang Diyos, kung wala ang mga fan, kung wala kayong mga nasa media. Kaya saludo ako sa inyong lahat. Kasi malaki ang naitulong niyo sa akin,” sabi niya.

May kulang pa ba sa buhay niya ngayon?

“Wala akong asawa ngayon, pero happy po ako. Hindi naman kailangan na may asawa ka, o may partner ka, para maging masaya ka,” sabi niya.

Kuya ko lang si Jong – Golden Canedo

“Kuya ko lang si Jong (Madaliday)!” natatawang sagot ni Golden Canedo sa tanong ko kung nanliligaw ba ang binata sa kanya.

Wala raw taga-showbiz na nanliligaw sa kanya. Unang-una, bata pa naman daw siya, at mas gusto niyang mag-focus sa kanyang career.

Ang mga fan daw ang nanliligaw sa kanya. May ibang fan na niyayaya siyang mag-dinner. Pero siyempre, hindi naman daw niya napagbibigyan.

“Sa chat lang sila. Pero, hindi ko po sila pinagbibigyan. Kasi po, hindi pa naman ako puwedeng makipag-date. Ang gusto ko kasi, ‘pag tapos na ako sa school, ‘pag okey na ang buhay namin, doon lang ako magkaka-boyfriend.

“Sabi ng mama ko, mga 30 puwede na akong magka-boyfriend,” sambit ni Golden.

Anyway, ang “All 4 You: The Clash Concert” sa Amerika nga ang pinaghahandaan ni Golden ngayon. Makakasama niya rito sina Ai Ai delas Alas, Christian Bautista at Lani Misalucha.

Magaganap ito sa October 19 (Saturday) sa Arcadia Performing Arts Center, 188 Campus Drive, Arcadia in Los Angeles, California.

Prodyus ito ng Kapuso Concerts, a joint project of GMA Pinoy TV, GMA Entertainment Group, GMA Sales & Marketing Group, and GMA Regional TV, in association with Starmedia Entertainment.

For tickets, visit starmediaentertainment.com or purplepass.com. They may also call 818-913-5998, 818-522-2567, 323-440-3174, 714-448-7512, or 626-821-1782. Tickets may also be purchased at All Island Pacific Supermarket.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *