Vice, Ion nag-iyakan sa anibersaryo

Isang milyon agad ang nanood sa ‘anniversary celebration’ nina Vice Ganda at Ion Perez sa loob lang ng 15 oras, at number 9 agad sa trending sa YouTube, ha! Sa Enchanted Kingdom nga sila nag-celebrate.

The post Vice, Ion nag-iyakan sa anibersaryo first appeared on Abante.

vice ion nag iyakan sa anibersaryo - Vice, Ion nag-iyakan sa anibersaryo
Vice Ganda 3 - Vice, Ion nag-iyakan sa anibersaryo

dondon sermino 11 - Vice, Ion nag-iyakan sa anibersaryoIsang milyon agad ang nanood sa ‘anniversary celebration’ nina Vice Ganda at Ion Perez sa loob lang ng 15 oras, at number 9 agad sa trending sa YouTube, ha! Sa Enchanted Kingdom nga sila nag-celebrate.

Ang bongga nga na si Vice mismo ang nag-drive papuntang EK (Sta. Rosa Laguna) para sa kanilang ika-2 anibersaryo.

Sarado ang EK, pero binuksan ito para sa kanila. Kasabay raw kasi ng anibersaryo nina Ion at Vice ang anibersaryo rin ng EK.

Anyway, super chikahan nga ang dalawa tungkol sa nakaraan nila. At sey ni Ion, unang beses pa lang niya nakita si Vice ay parang umikot na ang mundo.

“Hindi naman kita masisisi, kasi ang ganda ko talaga!” sabi naman ni Vice.

At siyempre, sa huling eksena ng date nila, nanood sila ng isang musical play, at nagbigay ng mensahe si Vice. Ikinuwento ni Vice ang sakripisyo, paghihirap ni Ion para sa relasyon nila. At sabi nga raw ni Ion, wala nang puwedeng sabihin ang mga tao na masasaktan pa siya, dahil narinig na raw niya ang lahat ng panlalait, panlilibak.

Kaya ang sey ni Vice kay Ion; “Ang sarap-sarap matulog na ikaw ang huli kong makikita, ang sarap-sarap na sa paggising ay ikaw rin ang una kong makikita.”

Ikinuwento rin ni Vice na bago ang kanilang anibersaryo, biglang nalungkot at umiyak si Ion, dahil pakiramdam daw nito ay hindi na siya mapaligaya ng binata.

Nasabi rin ni Vice na nakapagsulat siya ng tula, na ginawa ngang kanta. Ang titulo nito ay ‘Mahal ako ng mahal ko’ na katuwang si Moira sa paglikha.

At sa huli ng anilang anibersaryo, pinatugtog nga ang tula, kanta na ginawa nina Vice at Moira, kasabay ang music video, na ipinapakitang kumakanta si Vice.

“Nagulat ako,” sabi ni Ion.

“Akala ko iba `yung show, ikaw pala. Paulit-ulit kong sasabihin na hanggang kaya kong iparamdam na mahal kita, ipaparamdam ko sa iyo. Siguro, sinilang ako sa mundong ito para mahalin ka,” dugtong na chika pa ni Ion habang iyak nang iyak.

Yes, sa matinding iyakan nga nauwi ang kanilang anibersaryo. Pero, ito nga `yung iyak na may kasamang kaligayahan.

Dokyu ni Jake humakot ng award sa Cannes, Japan, US

Wagi nga ulit ang dokumentaryong “Jake and Charice” sa LGBTQ+ representation award sa non-scripted category ng MIPCOM Diversify TV Excellence Awards 2020.

“Thank you MIPCOM Diversify TV Excellence Awards for recognizing my story. Thank you to my TEAM for the support system, ABS-CBN, and most of all, NHK (Hiroko, Akiko, Ma’am Teresita & Yusaku) for believing in me and my story,” pasasalamat ni Jake sa Instagram.

Ang MIPCOM ay isang taunang television trade show sa Cannes, France na ipinakikilala ang sarili nito bilang pinakamalaking entertainment content market sa buong mundo. Ang mga award na ibinibigay nito sa Diversify TV Excellence Awards ay para maipakilala at ma-promote ang anumang anyo ng diversity at inclusion sa pandaigdigang industriya ng telebisyon.

Ang “Jake and Charice”—na mula sa produksyon ng Documentary Japan Inc. kasama ang ABS-CBN—ay umiikot sa pinagdaanang pagbabago ng singer na si Charice hanggang sa pagiging transman niya na si Jake Zyrus ngayon. Dinala rin nito ang mga manonood sa proseso ng paggawa niya ng pinakabagong album niya na “Evolution” mula sa Star Music.

Kamakailan lang, nanalo rin ang docu ng national award para sa Japan bilang Best Documentary Programme sa 2020 Asian Academy Creative Awards.

Nakatanggap din ito ng nominasyon sa Best Arts Programming category ng prestihiyosong 2020 International Emmy Awards na magdaraos ng seremonya sa New York City sa Nobyembre. Napanalunan din nito ang Gold Camera award sa social issues category ng 2020 US International Film and Video Festival.

Alamin pa ang matapang na istorya ni Jake sa pakikinig ng “Evolution” album niya at ng single niyang “Miss You in the Moonlight” sa iba’t ibang digital music streaming platforms.

The post Vice, Ion nag-iyakan sa anibersaryo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *