Vice Ganda tutulong sa foundation ng TNT contestant

Nangako si Vice Ganda sa “Tawag­ ng Tanghalan”­ contestant na si Julius Cawaling na tutulong sa foundation nito noong ­Miyerkoles (Agosto 28) sa “It’s Showtime”.

vice ganda tutulong sa foundation ng tnt contestant - Vice Ganda tutulong sa foundation ng TNT contestant
vice 8 - Vice Ganda tutulong sa foundation ng TNT contestant

Nangako si Vice Ganda sa “Tawag­ ng Tanghalan”­ contestant na si Julius Cawaling na tutulong sa foundation nito noong ­Miyerkoles (Agosto 28) sa “It’s Showtime”.

Bahagi nga ang “TNT” semifinalist na si Julius sa isang organisasyon na FHM o Feed Hungry Minds foundation.

“Napasama ako sa isang ­organisasyon na may ­ad­bo­kasiya na ­‘mission beyond music’ na kung saan ­lahat ng kinikita namin gabi-gabi ang kalahati noon ay ina-allot namin para sa mga batang­ nangangai­langan,” pagbabahagi ni Julius.

Ayon kay ­Julius, ­gusto nilang ­tulungan ang mga batang makapag-aral muli at mabigyan ang mga ito ng magandang buhay.­

Nakausap pa ni Vice ang isa sa mga batang tinutulungan ni Julius na si Jonel na ­kabilang sa ­organisasyon na Ang Bahay Parola, isa sa beneficiaries ng ­foundation ng “TNT” contes­tant.

Tinanong niya ang bata kung ano pa ang mga kailangan nito. ­Gusto ng bata na magkaroon ng karaoke sa kanilang tirahan.

Agad namang sinagot ng “TNT” judge na si ­Mitoy Yonting ang ­karaokeng hiling ng bata.

Hindi naman nagpahuli si Vice at sinabing magbibigay din siya ng tulong kay Julius para sa mga ­susunod nilang outreach program.

(­Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *