Vice Ganda pasadong ‘babaeng ahas’

Maraming fans ni Vice Ganda ang natuwa nang mag-tweet siya ng, “Ding ang vatwooohhhh!!!!! Vaklang twooo!!!”

The post Vice Ganda pasadong ‘babaeng ahas’ appeared first on Abante News Online.

vice ganda pasadong babaeng ahas - Vice Ganda pasadong ‘babaeng ahas’
vice ganda 9 - Vice Ganda pasadong ‘babaeng ahas’

abante anything goes jun lalin 336x224 - Vice Ganda pasadong ‘babaeng ahas’Maraming fans ni Vice Ganda ang natuwa nang mag-tweet siya ng, “Ding ang vatwooohhhh!!!!! Vaklang twooo!!!”

May mga nagkomento na bagay ring maging Darna ang unkabogable box-office star.

May mga nag-suggest pa na puwedeng mag-dual role si Vice na ang isa nga ay si Darna at ang isa ay si Valentina.
Kayang-kaya raw ‘yon ni Vice.

Bakit nga ba hindi gawin ‘yon? Puwedeng-puwede naman na habang naghahanap pa ng seryosong gaganap na Darna ay magkaroon muna ng Darna comedy movie si Vice like ang “Darna, Kuno?” movie noong 1979 ng Comedy King na si Dolphy (SLN), huh!

Sa “Darna, Kuno?” nga lang, hindi talaga bading ang role ni Dolphy, nagkataon lang na sa kanya ibinigay ng Darna sa movie na si Brenda del Rio ang bato dahil buntis ito at may leading lady pa nga ang comedian, si Lotis Key.

Baka naman kaya nag-tweet ng ganoon si Vice ay dahil may niluluto na silang Darna movie ng Star Cinema at Viva Films?

Well, kung meron nga, aba, madaliin na ‘yan nang maipalabas na dahil inip na inip na ang mga fan sa Darna movie, ‘noh?!

Gloria Diaz simple lang ang 68th b-day

Parang kailan lang nang koronahan bilang 18th Miss Universe si Gloria Diaz sa Miami Beach, Florida noong July 19, 1969, pero noong Friday, nag-celebrate na ng kanyang 68th birthday ang nanay ni Isabelle Daza-Semblat, huh!

How time flies!

Wala naman daw bonggang celebration si Gloria dahil sa place lang ng niece niyang si Georgina Wilson siya nagkaroon ng birthday dinner with her family, including her sisters at ang pamilya nila.

Tamang-tama raw na ang taping days ni Gloria para sa “Los Bastardos” ng ABS-CBN ay T-Th-S, kaya nakapag-rest siya noong Friday.

Liezel Lopez gustong sabunutan ng mga fan ni Barbie

Mukhang may bagong sisikat na kontrabida ang GMA-7 sa katauhan ni Liezel Lopez na gumaganap na Ellie sa “Kara Mia.”

Galit kasi sa kanya ang mga fan ni Barbie Forteza dahil sa eksena noong Biyernes na sinabunutan niya ang bida ng “Kara Mia” dahil ibubuking ng character niya na isang vlogger na bukod sa mukha ni Kara ay may Mia pa sa likod ng ulong ‘yon.

Pero dahil gabi nang sabunutan nito si Barbie, napahiya si Liezel dahil kapag gabi nga ay may sariling katawan si Mia (Mika dela Cruz) at sa umaga lang sila nagiging isang katawan.

Para nga sa mga fan na masyadong nahu-hook sa istorya ng “Kara Mia,” gusto rin nilang sabunutan si Liezel dahil sa ginawa niya kay Barbie, huh!

Siyempre, ‘kaaliw ang mga ganoong reaction ng mga fan, pero ingat din si Liezel at baka nga masabunutan siya!

The post Vice Ganda pasadong ‘babaeng ahas’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *