Vice Ganda kinabog sina Anne, Kathryn, Maine

Pumalo na sa 12 million ang followers ni Vice Ganda sa Twitter. Pagpapatunay na siya talaga ang number one sa social media na ‘yon, at kabog talaga niya ang ibang mga sikat na personalidad tulad nina Anne Curtis (11M), Kathryn Bernardo (8.9M), Daniel Padilla (7.8M), Maine Mendoza (5.1M), Alden Richards (5.2), at pati na sina  Manny Pacquiao (2.9 M), Pia Wurtzbach (597.8K).

The post Vice Ganda kinabog sina Anne, Kathryn, Maine appeared first on Abante News Online.

vice ganda kinabog sina anne kathryn maine - Vice Ganda kinabog sina Anne, Kathryn, Maine
vice 4 - Vice Ganda kinabog sina Anne, Kathryn, Maine

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Vice Ganda kinabog sina Anne, Kathryn, MainePumalo na sa 12 million ang followers ni Vice Ganda sa Twitter. Pagpapatunay na siya talaga ang number one sa social media na ‘yon, at kabog talaga niya ang ibang mga sikat na personalidad tulad nina Anne Curtis (11M), Kathryn Bernardo (8.9M), Daniel Padilla (7.8M), Maine Mendoza (5.1M), Alden Richards (5.2), at pati na sina  Manny Pacquiao (2.9 M), Pia Wurtzbach (597.8K).

Si Vice Ganda nga ang Most Followed Pinoy (celebrity man o hindi).

“Kavogue!!!! 12 million followers. Ibuuuuuhhhh!!! Budol is real! Chozzzz!! Seriously MARAMING SA­LAMAT PO for making me the most followed Filipino on Twitter!!! Habayabayu!!!” sabi ni Vice.

Wax figure ni Pia irarampa sa Pilipinas

Excited na si Pia Wurtzbach sa ma­laking event niya ngayong March 29. Sa mga walang kakayahan na makapunta ng Hong Kong, may chance pa rin kayong makita ang wax replica ng Pinay beauty queen. Dadalhin sa Pilipinas ang wax version ni Pia bago matapos ang Marso.

Last year pa ibinalita ni Pia ang pagkakaroon niya ng wax replica sa Madame Tussauds sa Hong Kong, kung saan naroon din ang iba pang mga life size wax ng mga sikat na perso­nalidad sa buong mundo.

“I can’t believe it! My Madame Tussauds wax figure is coming to Manila!

“Want to be among the first to see it? Take a selfie of your best beauty queen pose, tag a 3 of your friends, tag @madametussaudshongkong and don’t forget the hashtag #PiaMadelconic!” sabi ni Pia.

Ang deadline ng contest ay March 26 at March 27) at pipiliin ang 30 katao na siyang mabibigyan ng pagkakataong maka-meet & greet siya sa SM Mega Fashion Hall.

Richard Reynoso 6 oras inoperahan sa lalamunan

Ligtas na sa kanyang throat operation ang 90’s singer na si Richard Reynoso. Nag-post si Richard ng larawan niya sa kanyang Facebook account na may gasa pa ang bahagi ng lalamunan niya.

“Maraming salamat po sa lahat ng prayers. Felts God’s grace as I entered the operating room,” sabi niya.
Ikinuwento niya ang kanyang pinagdaanan sa operas­yon.

“Halehalehoy! It was a successful operation. Dr. Rene Chan and his group did a fantastic job.  It took them 6 hours kasi iniingatan talaga nila na walang tamaang nerves habang tinatanggal yung thyroid. No lymp nodes present kaya di pa kumakalat yung cancer cells.  No hoarseness sa boses ko.  Medyo mahapdi lang lumunok but tolerabale naman. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat.  It in a month or two, we’ll see how my singing voice turn out. Happy Sunday everyone,” say pa niya.

Maja mahal ng pamilya ni Rambo

Tuloy-tuloy ang kasiyahan ni Maja Salvador sa piling ng non-showbiz businessman na si Rambo Nuñez. Bukod sa mas ramdam ni Maja ang malaking pagmamahal sa kanya ng hunk boyfriend, ramdam din ni Maja ang importansya niya sa pamilya nito.

Nag-post si Rambo sa kanyang Instagram account ng larawan nila ni Maja na kuha sa Amanpulo. Sa la­rawan magkahawak-kamay na naglalakad sa dalampasigan ang dalawa.

Topless at board shorts ang suot ni Rambo, at 2-piece bathing suit naman si Maja.

“Where to next? #travel,” caption ni Rambo.

Mababasa ang comment ng ina ni Rambo na nagpapahayag ng pagkasabik na makasama uli si Maja.

@marilennunez, “come home na!!!”

Kinikilig namang sinagot ito ni Maja. “@marilennunez malapit na po mhooom (Mom).”

Nasa Dubai si Maja para sa shooting ng bago niyang acting project. Nanood din ito ng concert ni KZ Tandingan doon.

The post Vice Ganda kinabog sina Anne, Kathryn, Maine appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *