Vice Ganda, Jasmine tandem sa pagbira kay Roque

Umariba na naman ang ilang mga star kaugnay sa mga isyu na pinag-uusapan ngayon, ang Coronavirus vaccine.

The post Vice Ganda, Jasmine tandem sa pagbira kay Roque first appeared on Abante.

vice ganda jasmine tandem sa pagbira kay roque - Vice Ganda, Jasmine tandem sa pagbira kay Roque
Vice x Jasmine - Vice Ganda, Jasmine tandem sa pagbira kay Roque

Umariba na naman ang ilang mga star kaugnay sa mga isyu na pinag-uusapan ngayon, ang Coronavirus vaccine.

Matapos magpasaring ng talak ni Vice Ganda sa tweet kay Presidential Spox Harry Roque, sunod-sunod na ang sumang-ayon tulad ni Jasmine Curtis-Smith.

Sa tweet, sinabi ni Vice na may karapatang maging choosy o mamili ang mga tao sa vaccine na ituturok sa kanila.

“I secoooond,” ang tweet naman ni Jasmine sa reply nito kay Vice.

Ang paggisa naman sa isyu ng pagpapabakuna ng PSG ang pinuntirya ni Luis Alandy.

“Natabunan na ng Dacera case yung issue ng smuggled vaccine ng mga PSG at paggamit nito ng walang pahintulot ng DOH at FDA,” sabi ni Luis.

Well, tiyak na mas dadami pa ang maglalabas ng kanilang opinion sa sunod-sunod na isyung ito. (Rey Pumaloy)

The post Vice Ganda, Jasmine tandem sa pagbira kay Roque first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *