Vice Ganda, Ion Perez magkasama sa dressing room

Tila isang simple pero makabuluhan na pahiwatig ang isang Ins­tagram story picture na ibinahagi ng phenomenal comedian kamakailan kung saan kasama niya sa loob ng isang dressing room si Ion Perez o mas kilala bilang “Kuya Escort” sa noontime program na “It’s Showtime”.

The post Vice Ganda, Ion Perez magkasama sa dressing room appeared first on Abante News Online.

vice ganda ion perez magkasama sa dressing room - Vice Ganda, Ion Perez magkasama sa dressing room
ion - Vice Ganda, Ion Perez magkasama sa dressing room

Tila isang simple pero makabuluhan na pahiwatig ang isang Ins­tagram story picture na ibinahagi ng phenomenal comedian kamakailan kung saan kasama niya sa loob ng isang dressing room si Ion Perez o mas kilala bilang “Kuya Escort” sa noontime program na “It’s Showtime”.

Bihira kasi kung mag-post ng picture si Vice na kasama si Ion. Well, kung may pagkakataong nag-post noon si Vice ay may kasama namang ibang tao o kasama si Jackque ‘Ate Gurl’ na nakakaeksena rin nila sa programa.

Pero this time, sina Ion at Vice lamang ang nasa frame ng litrato.

Patuloy nga na iniintriga at maraming tanong na tumatakbo sa isip ng mga fan tungkol sa love life ni Vice lalo na’t nagbigay rin ng pahiwatig si Anne kamakailan habang sila ay nagho-host sa “Tawag Ng Tanghalan”,

Nag-aasaran nga sina Vice at Anne tungkol sa kanilang naging relasyon noon, binanggit pa ni Vice na na-heartbroken si Anne kay Sam Milby, kaya bilang ganti naman ay nagbigay rin ng pahiwatig si Anne tungkol sa love life ni Vice.

Matapos banggitin ni Anne na nasa “happier place” na si Vice (sa kanyang love life), agad nitong kinanta with matchin­g dance steps (signature steps ni Ion) ang kantang “Lintik” na usually ay tinutugtog kapag papasok na sa eksena si Ion. (Athena Yap)

The post Vice Ganda, Ion Perez magkasama sa dressing room appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *