Vice Ganda gustong wasakin ‘kabit’ ni Ion

Super talak si Vice Ganda kay Ion Perez!

The post Vice Ganda gustong wasakin ‘kabit’ ni Ion first appeared on Abante.

vice ganda gustong wasakin kabit ni ion - Vice Ganda gustong wasakin ‘kabit’ ni Ion
abante vice ganda 2 - Vice Ganda gustong wasakin ‘kabit’ ni Ion

FINAL columnists Palaban to no Dondon Sermino 1 2 300x180 - Vice Ganda gustong wasakin ‘kabit’ ni IonSuper talak si Vice Ganda kay Ion Perez!

“Ano ba? Ano yan? Araw-araw na lang yan ang ang tinututukan mo! Jowa mo ba ‘yan?” sabi ni Vice kay Ion.

“Maya’t maya puro na lang `yan! Jowa mo ba ‘yan?” tanong pa ulit ni Vice.

“Kabit,” malumanay na sagot naman ni Ion.

“Tutok na tutok ka diyan! Tapon ko `yan!” say ni Vice.

“Ay, hindi! Galit `yon!” sagot ni Ion.

“Sirain ko `yan!” giit pa ulit ni Vice.

“Wag, galit `yon!” sey ulit ni Ion.

Anyway, bagamat nagtatawanan sila, parang may himig katotohanan, ha! Na si Ion, masyadong busy sa pagbibisikleta, at baka nawawalan ng oras kay Vice.

Pero chika naman ni Vice sa Showtime, siya pa raw mismo ang nagpu-push kay Ion na lumabas, sumama sa mga kaibigan, dahil mas madalas nga raw itong nasa bahay lang.

At ang bisikleta nga siguro ang diversion ni Ion, at may pahintulot naman ni Vice. Pero sana nga, hindi ang bisikleta lang ang maging dahilan para magkalabuan silang dalawa, ha!

I’m sure naman, hindi!

Ella takot matikman nina Marco, Diego

Naloka si Ella Cruz sa tanong ko sa kanya sa renewal of contract niya sa Viva Artist Agency, na kung paano niya babaguhin ang image niya. Kasi naman, kahit 24 years old na si Ella ngayon, parang bata pa rin ang tingin sa kanya ng maraming tao.

Hindi nga mabura sa isip ng mga fan ang napanood nila kay Ellan, na bumida nga noon sa teleserye bilang isang maliit na sirena.

Sabi ni Ella, sa tingin niya ay mas maganda kung ipareha siya sa medyo mas mature na leading man. Kasi nga raw, kapag itinatabi siya sa mga batang aktor, lalo siyang nagmumukhang ‘nene’.

So, nag-suggest ako na mas maganda siguro kung ipareha siya kina Marco Gumabao at Diego Loyzaga, na parehong contract artist ng VAA.

“Ay, hindi ko naman kinaya `yon! Bakit Marco at Diego? Hindi ko pa keri ang maghubad!” tili ni Ella.

Well, dahil pareho ngang medyo sexy ang dating nina Marco at Diego, agad ngang inisip ni Ella na baka sexy movie ang ipagawa sa kanila.

“Yun nga, hindi pa ako ready. Hindi ko ma-imagine!” say pa rin ni Ella.

Well, puwede naman na hindi siya magpa-sexy. Hindi naman nangangahulugan na kapag sina Marco at Diego ang kapareha mo, maghuhubad at makikipaglandian ka na agad sa harap ng kamera.

“Ah, puwede naman po siguro. Pag pumayag po si Boss (Vic del Rosario), okey lang! Pero hindi po talaga ako ready sa pagpapa-sexy!” sey pa rin ni Ella.

Kaloka si Ella! Yun pala ang dating sa kanya nina Marco at Diego, na hubaran, landian agad, pag ang dalawa ang kasama sa pelikula.

The post Vice Ganda gustong wasakin ‘kabit’ ni Ion first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *