Vice Ganda feeling prinsesa kay Ion

Mula nang kumpirmahin ni Vice Ganda ang relasyon nila ng kapwa niya “It’s Showtime” mainstay na si Ion Perez, mas naging malaya ang komedyante na ilantad ang samahan nila.

vice ganda feeling prinsesa kay ion - Vice Ganda feeling prinsesa kay Ion
ion x vice - Vice Ganda feeling prinsesa kay Ion

Mula nang kumpirmahin ni Vice Ganda ang relasyon nila ng kapwa niya “It’s Showtime” mainstay na si Ion Perez, mas naging malaya ang komedyante na ilantad ang samahan nila.

Kung dati ay tago ang pagsasama nina Vice at Ion, ngayon ay palagi na ngang nakabalandra sa Instagram ng gay actor/host ang kanilang biyahe. Sa Japan nagdaos ng Halloween ang magkasintahan at naka-post sa IG ni Vice ang pagdalo nila sa isang party na nakasuot ng Aladdin costume. Si Ion bilang si Aladdin, at si Vice bilang si Princess Jasmine.

Nakasulat sa hashtag ni Vice na sa Shibuya, Japan sila nag-Halloween.

“Now I’m in a whole new world with you. #ShibuyaHalloween2019

@pereziion27,” ang sabi pa ni Vice.

Asahang mas marami pang mga kaganapan sa magkasintahan na ibabahagi nila sa kanilang mga supporter, fan, ngayong bukas na sa madlang pipol ang romansa nila. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *