Vice Ganda feeling ‘nabuntis’ ni Ion

Kinakagigiliwan ng mga manonood ngayon ang pinakabagong segment ng “It’s Showtime” na “Mas Testing” dahil bukod sa katatawanan at good vibes ay handog din nito ang papremyong cash para sa online viewers na live na nakatutok sa programa.

The post Vice Ganda feeling ‘nabuntis’ ni Ion first appeared on Abante.

vice ganda feeling nabuntis ni ion - Vice Ganda feeling ‘nabuntis’ ni Ion
vice and ion - Vice Ganda feeling ‘nabuntis’ ni Ion

Kinakagigiliwan ng mga manonood ngayon ang pinakabagong segment ng “It’s Showtime” na “Mas Testing” dahil bukod sa katatawanan at good vibes ay handog din nito ang papremyong cash para sa online viewers na live na nakatutok sa programa.

Patok sa viewers ang “Mas Testing” kung saan hinuhulaan ng isang host o “tumpak tracer” kung sino sa dalawang PUT o “persons under testing” ang mas lamang sa iba’t ibang test base sa obserbasyon at personal na detalye nila.

Sa bawat tamang hula ng “tumpak tracer,” mamamahagi ang “It’s Showtime” ng P3,000 sa madlang people na live na nanonood online. Kailangan lang nilang mag-post ng komento sa Facebook o Twitter gamit ang opisyal na hashtag ng palabas sa bawat araw.

Kapag hindi naman ito nahulaan nang tama, may kaakibat na parusa o “fun-ishment” ang “tumpak tracer.” Ganadong-ganado ang mga host na gawin ang mga nakakatuwang parusa na ito kaya naman kinatutuwaan ito ng madlang people at libo-libong views ang nakukuha sa YouTube.

Isa sa mga kinagiliwan dito ay ang pag-prank ni Amy Perez sa mister niya nang tanungin niya ito kung puwede ito mamaya. Na parang niyayaya niya itong magtalik sila pag-uwi niya galing Showtime. Feeling kasi ng mister niya, lasing si Amy, kaya kaaliw talaga.

Si Vice Ganda naman, napansin ni Vhong Navarro na malaki na ang tiyan ngayon, kaya madalas naka-jacket. At biro ni Vhong, buntis na raw ba ito.

“Wag mo munang sabihin, hindi pa alam ni Ion (Perez) at ng pamilya niya! Hahaha!” pabirong sabi naman ni Vice.

“Isa ito sa pinakamagandang segment ng Showtime ngayon, nakakatawa,” sabi ni Jess Licuanan. (Dondon Sermino)

The post Vice Ganda feeling ‘nabuntis’ ni Ion first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *