Vice Ganda barado sa mga netizen

Mula sa pagbuo ng isang awiting makabagbag damdamin, napunta sa kulitan at tawanan ang pagsali ng isang contestant sa segment ng “It’s Showtime” na ‘Tawag Ng Tanghalan’, na si Charline Mae Fiel mula sa Davao City.

The post Vice Ganda barado sa mga netizen appeared first on Abante News Online.

vice ganda barado sa mga netizen - Vice Ganda barado sa mga netizen
Abante vice - Vice Ganda barado sa mga netizen

Ni Athena Yap

Dahil sa pangit na joke:

Mula sa pagbuo ng isang awiting makabagbag damdamin, napunta sa kulitan at tawanan ang pagsali ng isang contestant sa segment ng “It’s Showtime” na ‘Tawag Ng Tanghalan’, na si Charline Mae Fiel mula sa Davao City.

Lumikha nga ng impromptu song si Fiel para kay Mariel Padilla na siyang kinatuwa ng mga host dahil sa husay at bilis ng kanyang isip sa paggawa ng kanta tungkol sa pagiging ina.

Sumunod namang ginawan ni Fiel si Vice ng kanta na tinutukoy ang kanyang “beauty” at talagang labis na pi nupuri si Vice.

Nagbiro naman si Vice, sinabing, “Ako ang sasagip ng mundo!” singit nito habang umaawit si Fiel. Pinamagatan nilang “Ate Vice” ang kantang nilikha ni Fiel at pinaulit-ulit din ang lyrics na iyon.

“Sabay-sabay pati mga taga-GMA at mga taga-TV5” dagdag pa ni Vice.
Nakikanta na rin ang lahat ng audienc­e maski ang mga hurado at talagang nagkakatuwaan ang lahat sa kantang iyon.

Samantala, hindi nagustuhan ng ibang mga fan ang pagbibiro na ‘yon ni Vice, kaya naman bumuhos ang pambabatikos sa komedyante.

May mga ilan na ipinaliwanag pa kung ano ang bagay na na-offend sila sa sinabi ni Vice. Tulad umano ng sinabi ni Vice na “Lahat ng hiwalay na pamilya ay magbabalikan, at ‘yung buong pamilya naman ay maghihiwalay.” Pero hindi naman nawala ang kanyang mga solid supporter na ipinagtanggol ang kanilang idolo.

The post Vice Ganda barado sa mga netizen appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *