Vice Ganda, Anne sinermunan ang talakerang TNT contestant

Nabulabog ang online world sa tweets ng isang “Tawag Ng Tanghalan” semifinalist, si Shantal Cuizon noong nakaraang linggo, ngunit agad naman itong humingi ng public apology kinabukasan sa Agosto 31 episode ng “It’s Showtime”. Pero sa kabila ng paghingi ng tawad ng contestant, hindi pinalampas ng hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis ang pagkakataong ito para bigyan ng mahalagang aral si Shantal tungkol sa pagsali sa isang competition at para ipagtanggol ang show at ang network laban sa mga akusasyon ng dalaga.

vice ganda anne sinermunan ang talakerang tnt contestant - Vice Ganda, Anne sinermunan ang talakerang TNT contestant
vice 9 - Vice Ganda, Anne sinermunan ang talakerang TNT contestant

Dondon Sermino Paistaran 5 336x224 - Vice Ganda, Anne sinermunan ang talakerang TNT contestantNabulabog ang online world sa tweets ng isang “Tawag Ng Tanghalan” semifinalist, si Shantal Cuizon noong nakaraang linggo, ngunit agad naman itong humingi ng public apology kinabukasan sa Agosto 31 episode ng “It’s Showtime”. Pero sa kabila ng paghingi ng tawad ng contestant, hindi pinalampas ng hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis ang pagkakataong ito para bigyan ng mahalagang aral si Shantal tungkol sa pagsali sa isang competition at para ipagtanggol ang show at ang network laban sa mga akusasyon ng dalaga.

Inamin ni Vice na siya ay na-offend sa tweets ni Shantal, lalo na’t humihingi ito ng ‘hustisya’ sa tweet nito.

“Huwag ninyo sanang maramdaman na dinadaya kayo ng show na ito at may isang hurado na mandadaya sa inyo at magbibigay ng injustice, kasi kasama sa values ng ABS-CBN ang integrity. Hindi hahayaan ng management na may programa o sino mang bahagi ng programa ang mandadaya sa mga kalahok na katulad mo. Mahal namin kayo at ang mga pangarap ninyo,” ani Vice.

Bilib kami kay Vice sa mahinahon ngunit seryoso niyang pangangaral sa contestant dahil totoo ito – nasaksihan na namin ang pagbibida at pagtupad ng mga pangarap ng aspiring Pinoy singers, kahit pa ang mga hindi nanalo ay inaalagaan at binibigyan ng oportunidad ng programa at ng network. Pinatunayan din ng “Tawag ng Tanghalan” na hindi lang pagbirit at pagwawagi ng mga premyo ang importante sa mga talent competition na kagaya nito, kundi maging ang karakter ng mga sumasali rito.

Nagbigay rin ng payo si Vice kay Shantal na alalahanin ang mga tao na makakasalamuha nito sa industriya, para naman ipagtanggol ang tanyag na composer at huradong si Louie Ocampo sa “composer ka lang” na tweet ni Shantal.

“Kung wala ang mga composer, wala kayong aawitin,” saad ni Vice. “Ang dami sa ating mga Pilipino na ang lakas-lakas ng loob mag-tweet. Kung kaya mo namang sabihin nang personal, sabihin na lang natin nang personal. Para hindi tayo mag-spread ng hate at sa social media. Kung ‘di tayo makakabawas, huwag na tayo dumagdag.”

Sinegundahan naman ni Anne ang mga komento ni Vice at sinabing, “With any competition or contest, you should always be a good sport, ‘di ba?”

Kahit na nakakatensyon ang naging tagpo sa “TNT” semifinals, natuwa kami sa pangyayari dahil nag-iwan ito ng leksyon hindi lang para kay Shantal, pero para sa mga manonood na matuto sa mga pagkakamali at huwag magpadala sa emosyon kapag magpo-post sa social media.

Zephanie, Janine, Elha kabogera sa ‘ASAP’

Nakakatuwang nagkakaroon na ng exposure ang bagong generations ng champions sa “ASAP Natin ‘To” na sina Zephanie Dimaranan, Elha Nympha, at Janine Berdin.

Dalawang magkasunod na Linggo na silang pinagsasama sa isang song number at sana weekly segment na ito. Last Sunday (Sept. 1), kumanta sila ng medley ng Destiny’s Child. Kitang-kita ang pagkakaiba ng kanilang mga boses at hindi maitatangging may ibubuga ang mga batang ‘to.

Si Elha, talagang puno ng puwersa ang boses. Panlaban naman ni Janine ang kanyang husky at maangas na style. Si Zephanie naman, talagang damang-dama ang kanta dahil sa malinis niyang boses.

Well, deserve ng tatlo ang spotlight, lalo na’t champions sila ng sinalihan nilang singing competitions: si Janine ang grand champion ng “Tawag ng Tanghalan” season 2, si Elha ang nanalo sa “The Voice Kids” season 2, at si Zephanie naman ang kauna-unahang “Idol Philippines” winner.

Nakaka-excite ang careers nila at for sure, bright ang future nila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *