Vice binoldyak si Tito Sen

Simula nang mag-viral ang “Banyo Queen” na si Gretchen Diez noong nakaraang buwan, sunod-sunod na ngang tinalakay ang usapang equality para sa mga taong nakararanas ng diskriminasyon lalo sa LGBTQ+ community. Kasabay nito ang pakikipaglaban na ipasa ang SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) Equality Bill.

vice binoldyak si tito sen - Vice binoldyak si Tito Sen
vice 10 - Vice binoldyak si Tito Sen

Simula nang mag-viral ang “Banyo Queen” na si Gretchen Diez noong nakaraang buwan, sunod-sunod na ngang tinalakay ang usapang equality para sa mga taong nakararanas ng diskriminasyon lalo sa LGBTQ+ community. Kasabay nito ang pakikipaglaban na ipasa ang SOGIE (Sexual Orientation and Gender Identity and Expression) Equality Bill.

Suportado ito ng ilan sa mga personalidad tulad nina Vice Ganda, Bianca Gonzalez KaladKaren Davila at Heart Evangelista.

Na-trigger naman si Vice Ganda sa lumabas na statement ni Hon. Senate President Tito Sotto tungkol sa SOGIE Bill.

“If you are a man, you will never be a woman, no matter what you do, because you cannot reproduce. You cannot give birth, you do not have ovaries. You will never be a woman. So this, to me, the SOGIE Bill is a bill against women’s rights,” pahayag ni Tito Sen.

Tugon ni Vice sa kanyang Instagram kalakip ang screen capture ng statement at litrato ni Tito Sotto:

“Joke po ba ito Hon. Senate President Tito Sotto ??? Sinasabi nyo po ba na naniniwala kayo na ang pagiging BABAE ay nasusukat lamang sa pagkakaroon ng obaryo o matris at sa kakayahan lang na mabuntis o magka-anak?

“Parang ang baba naman po pala ng tingin nyo sa mga BABAE. Naniniwala po ako na ang mga BABAE ay BABAE di dahil sa obaryo at sa kakayahang bumukaka at umire. Sila ay BABAE dahil sila ay BABAE. At MAY HALAGA sila may matris man o wala, magbuntis man o hindi,may anak man o wala dahil sila ay ay TAO at sila ay BABAE,” bahagi ng pahayag ni Vice.

“Sinubukan ninyong maliitin ang konsepto ng pagiging TRANSGENDER sa paraang tinapakan nyo rin ang dignidad ng mga tinatawag nyong TOTOONG BABAE. Paumanhin po HON. SENATE PRESIDENT Sotto. Pero i believe this statement is just not fair. There are people who pretend to be FEMINISTS to hide their being MISOGYNISTS,” tirada pa ni Vice sa senador. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *