Vice binigyan ng motor, TV, 2 washing machine ang matandang fan

Maraming natatanggap na blessing si Vice Ganda sa sunod-sunod niyang mga concert, show, at pelikula. Katunayan, magkakaroon pa sila ng movie ni Anne Curtis na ilalaban sa MMFF ngayong taon.

The post Vice binigyan ng motor, TV, 2 washing machine ang matandang fan appeared first on Abante News Online.

vice binigyan ng motor tv 2 washing machine ang matandang fan - Vice binigyan ng motor, TV, 2 washing machine ang matandang fan
ABANTE vice 1 - Vice binigyan ng motor, TV, 2 washing machine ang matandang fan

Maraming natatanggap na blessing si Vice Ganda sa sunod-sunod niyang mga concert, show, at pelikula. Katunayan, magkakaroon pa sila ng movie ni Anne Curtis na ilalaban sa MMFF ngayong taon.

Kaya naman grabe na lang din siyang mag-share ng biyaya sa mga nangangailangan. Recently nga ay may tinulungan siyang ina ng isang contestant ng “Tawag ng Tanghalan” mula Mindanao na avid fan ng Unkabogable Star. Grabe ang saya ng matandang babae nu’ng makita si Vice.

Idol na idol daw niya kasi ito at nakikinood pa siya sa kapitbahay para lang masilayan si Vice.

“Pinapanood mo ‘ko sa TV ng kapitbahay? Wala kayong TV? Ibibili kita ng TV,” sabi ni Vice, na naging dahilan ng paghagulgol ng matandang babae.

Nasabi rin ng babae na gusto niya sanang bumili ng motor kapag nagkataong manalo ang anak niya para makatulong sa kabuhayan nila.

“Tamang-tama. ‘Yung Frontrow binigyan ako ng motor, ibibigay ko na lang sa’yo,” sorpresa ni Vice at dito na napahiyaw si nanay sa tuwa.

“Salamat sa Panginoon dahil mahirap kami, Vice. Nagbebenta lang kami ng gulay, walang motor ang asawa ko,” pasasalamat ni nanay.

Pero may naisip na namang ibigay si Vice, “‘Di ba naglalaba ka? Bibigyan din kita ng dalawang washing machine para ‘di ka mahirapan at marami pa magpalaba sa’yo.”

Pero nang mapunta na sa bahay ang usapan, napaatras na si Vice sa takot na mapa-donate din siya ng house and lot.

“Alam mo habang humahaba ang kuwento mo dumarami ang nabibigay ko, tama na,” pabirong sambit ni Vice.

Ang taray ni mother, ha. Mahigit hundred thousand ang presyo ng mga naibigay ni Vice sa kanya kung susumahin. Sana nga magamit nila itong pamilya sa kanilang kabuhayan at ikaayos ng estado nila.

Iba rin naman ang good vibes sa “Showtime”, hindi lang tawanan, pati na rin sa pagtulong sa kapwa. (Dondon Sermino)

The post Vice binigyan ng motor, TV, 2 washing machine ang matandang fan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *