Vic Sotto binakbakan ang kalaban ni Vico

Palaban na ang mga taga-showbiz sa kampanya. Kung binabanatan sila ng mga kalabang politiko, kumakasa na rin sila pabalik sa mga bumabanat sa kanila.

The post Vic Sotto binakbakan ang kalaban ni Vico appeared first on Abante News Online.

vic sotto binakbakan ang kalaban ni vico - Vic Sotto binakbakan ang kalaban ni Vico
vic vico - Vic Sotto binakbakan ang kalaban ni Vico

Palaban na ang mga taga-showbiz sa kampanya. Kung binabanatan sila ng mga kalabang politiko, kumakasa na rin sila pabalik sa mga bumabanat sa kanila.

Si Vic Sotto nga, hindi nakapagpigil at nagdayalog na talaga sa isa sa mga kampanya ng anak niyang si Vico Sotto, na kumakandidatong mayor sa Pasig City.

Heto nga ang speech ni Bossing sa isa sa mga kampanya ng anak niyang si Vico.

“Dalawa lang ang sasabihin ko, ‘pag naging mayor si Vico Sotto, babalik ang ‘Eat Bulaga’ sa Pinagbuhatan,” bungad na sabi ni Vic, na humamig ng malakas na palakpakan, base sa video na pinost ni @aldubmaichardwarrior.

“Para sa mga hindi po nakakaalam, ‘yung dating mayor, ‘yung dating mayor, ‘yung magiging dating mayor, binan po ang ‘Eat Bulaga’ dito sa Pinagbuhatan.

“Bakit kaya? Nakapagtataka.

“Susugod lang naman ang suwerte sa Pinagbuhatan, pinagbabawal pa.

“Hindi naman yata tama ‘yon. ‘Ika nga, sa eleksyon, sa politika, dapat ay pantay-pantay,” sabi pa ni Vic.

The post Vic Sotto binakbakan ang kalaban ni Vico appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *