Vhong Navarro napagkamalang si Sec. Panelo

Sa unang tingin, nagulat ang mga netizen nang akalaing kasama palang dumalo sa bonggang kaganapan ng ABS-CBN ang kasalukuyang Presidential Spokesperson na si Salvador Panelo.

vhong navarro napagkamalang si sec panelo - Vhong Navarro napagkamalang si Sec. Panelo
vhong 6 - Vhong Navarro napagkamalang si Sec. Panelo

Sa unang tingin, nagulat ang mga netizen nang akalaing kasama palang dumalo sa bonggang kaganapan ng ABS-CBN ang kasalukuyang Presidential Spokesperson na si Salvador Panelo.

Oops! Hindi ‘yung the real Sec. Panelo, kundi ang pambansang Mr. Suave na si Vhong Navarro.

Naging biru-biruan nga sa social media ang pagkakahawig ni Panelo sa naturang “It’s Showtime” host lalo na dahil sa suot ng aktor-host nitong nakaraang ABS-CBN Ball.

Ikinonekta pa nga ng mga fan ang sumikat na kanta ni Vhong noong early 2000 na “Pamela One” sa pag-uugnay nila sa host at kay Panelo, dahil halos magkatunog nga.

“Panelo One, Panelo two, Panelo Three…” hirit pa ng mga netizen.

“Bumabata si Panelo ah!” dagdag pa ng isa pang netizen.

Marami pang pakulo ang mga netizen sa social media na inuugnay talaga ang dalawang magkaibang personalidad. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *