Vhong nagsalita sa Vice Ganda, Ion relasyon

Vhong nagsalita sa Vice Ganda, Ion relasyon

Isa si Vhong Navarro sa mga ‘tulay’ sa relasyon ngayon nina Vice Ganda at Ion Perez. Si Vhong nga ang madalas kaeksena ni Vice sa “It’s Showtime,” at madalas nga ay parang tinutukso niya si Vice kay “Escort Boy.”

The post Vhong nagsalita sa Vice Ganda, Ion relasyon appeared first on Abante News Online.

vhong nagsalita sa vice ganda ion relasyon - Vhong nagsalita sa Vice Ganda, Ion relasyon
vhong 3 - Vhong nagsalita sa Vice Ganda, Ion relasyon

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Vhong nagsalita sa Vice Ganda, Ion relasyonIsa si Vhong Navarro sa mga ‘tulay’ sa relasyon ngayon nina Vice Ganda at Ion Perez. Si Vhong nga ang madalas kaeksena ni Vice sa “It’s Showtime,” at madalas nga ay parang tinutukso niya si Vice kay “Escort Boy.”

At sa premiere night ng pelikulang “Papa Pogi” na ginanap sa Trinoma, nakorner nga namin si Vhong, at inusisa sa “relas­yon” nina Vice at Ion. Na nu’ng mga oras na ‘yon ay nasa Guam nga at nagsu-show.

“Ako nasa (harap ng) camera lang. So masaya kami sa camera. Hindi ko alam pagdating sa likod ng camera,” sabi ni Vhong.

Hihirit pa sana kami ng tanong tungkol pa rin kina Vhong at Ion, pero natunugan agad ni Vhong, kaya naman…
“At dahil diyan, magbabalik ang!!!” sabay layas ni Vhong na patawa-tawa.

Oo nga naman, ayaw niyang mapahamak, na sa kanya pa manggaling ang mga dapat ay kina Vice at Ion mismo mangga­ling. At bilang kaibigan, tikom nga ang bibig niya pagdating sa bagay na ‘yon.

Pero siyempre, maligayang-maligaya rin siya para sa kaligayahan ng kaibigan niya. Na sa ngayon nga ay nagla­labasan ang mga photo, video, na sweet na sweet sina Vice at Ion sa Guam, ha!

Alex Calleja nilayasan ang ‘Showtime’

Dumalo nga si Vhong sa premiere night ng “Papa Pogi” bilang suporta sa kasamahan niya sa “It’s Showtime” na si Teddy Corpuz. At si­yempre, kay Alex Calleja, na direktor ng pelikula.

Si Vhong nga ang masasabing mentor ni Direk Alex, dahil siya nga ang madalas na magbitbit kay Alex sa mga ginagawa niyang pelikula.

“Para akong magulang ni Alex. Nakakatuwa na natutupad ang mga pa­ngarap niya. Dati gusto ko lang siyang kasama sa mga movies ko. Sinasama ko lang siya sa mga project as creative consultant, tapos ngayon ang dami na niyang ginagawa. Ang layo na ng nara­ting ni Alex. Nakaka-proud nga eh,” sabi ni Vhong.

Pero, dahil sa pagdidirek ni Alex ng “Papa Pogi,” hindi na nga nito kinaya ang trabaho sa “It’s Showtime.” Tuluyan na ngang nilayasan ni Alex ang trabaho niya sa noontime show ng ABS-CBN.
“‘Yun ang nakakatampo. Hahahaha!”

Iniwan ang Showtime para sa sari­ling kapakanan?
“Nahihiya si Alex na sa sobrang busy na niya, may napapabayaan na siya. May nagsa-suffer nga kaya nag-decide siya na magpaalam muna.”

Paano siya nagpaalam sa iyo?
“Sa akin? Ay, nagtampo na naman ako. Hahahahaha!
“Hindi siya nagpaalam sa akin! Hahahahaha!
“Nag-text lang siya sa akin. Hahahahaha!

“Basta may tiwala ako sa kanya. Gusto ko lang siyang matulu­ngan, at wala naman akong hinihinging kapalit.”
Magpapadirek ka ba kay Alex? O hindi pa siya hinog para idirek ka?
“Hindi naman. Kung may chance na idirek niya ako, why not?”
Sa mga pini-pitch mo na story, kasama ba siya bilang direktor?
“So far, wala pa. Hahahahaha!”

Dumating si Alex sa puntong ito ng interview namin kay Vhong.
“Si Vhong ang dahilan kung bakit ako na-discover. Sa mga pelikula niya kasama ako, at nakita siguro nina Mother (Lily) at Miss Roselle.”

Nagtampo raw si Vhong na hindi mo sa kanya ibinigay ang pelikulang “Papa Pogi”?
“Hahahahaha! Hindi kasi, sabi ko, sa unang pelikula ko, ‘wag muna si Vhong. Hindi ko pa kaya.”
“So pinagpraktisan mo lang si Teddy?” tukso ni Vhong kay Alex.

“Hahahahaha! Hindi naman! Mahirap kasi na first time director Vhong Navarro agad! Hahahahaha!
“Basta mahal ko si Vhong. Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya.
“Hindi naman ako umalis sa Showtime. Nagpahinga lang ako!

“Nagpaalam naman ako kay Vhong. Hahahahaha!” sabi na lang ni Direk Alex.

The post Vhong nagsalita sa Vice Ganda, Ion relasyon appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *