Vhong luhaan kay Kim sa ‘Walang Tunugan’

Kuwela ang bagong segment ng ‘It’s Showtime’ na ‘Walang Tunugan’.

The post Vhong luhaan kay Kim sa ‘Walang Tunugan’ first appeared on Abante.

vhong luhaan kay kim sa walang tunugan - Vhong luhaan kay Kim sa ‘Walang Tunugan’
Vhong Navarro - Vhong luhaan kay Kim sa ‘Walang Tunugan’

Kuwela ang bagong segment ng ‘It’s Showtime’ na ‘Walang Tunugan’.

Simple lang ang patakaran ng laro: kung sino ang mas tahimik na makakagawa ng challenge ang siyang makakakuha ng puntos at aabante sa jackpot round. Ang ingay namang nagawa ng celebrity players ay susukatin sa pamagitan ng decibel meter o ang instrumentong sumusukat sa lakas ng isang tunog.

Bilang patikim sa segment, nagharap sina Vhong Navarro at Kim Chiu sa unang pasabog ng “Walang Tunugan” kamakailan.

Naglaban ang dalawa sa pagbubukas ng isang can ng softdrinks nang hindi lumalagpas sa 65 decibels ang malilikhang ingay. At wagi nga si Kim, kaya sumabak siya sa jackpot round kung saan kinailangan niyang suotin ang isang jacket na puno ng pako at lumusot sa isang balloon tunnel nang walang napuputok na lobo o katumbas ng ganap na katahimikan.

Para makasali ang netizens, kailangan lamang nilang i-tweet o i-comment sa Facebook ang pangalan ng hula nilang celebrity player kasama ang official hashtag of the day ng programa.

Dahil hindi napagtagumpayan ni Kim ang hamon, nadagdagan ng P5,000 ang kaban ng premyo.

Anyway, bida nga si Kim sa Bawal Lumabas na mapapanood sa iWantTFC, at si Vhong naman ay mapapanood sa Mang Kepweng: Ang Lihim ng Itim na Bandana na kasali sa MMFF 2020. (Dondon Sermino)

The post Vhong luhaan kay Kim sa ‘Walang Tunugan’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *