Vhong feeling pogi sa piling ni Pia

Mali ang hula! Hindi si Tony Labrusca ang mapalad na lalakeng ka-partner ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa ginagawa nitong movie project ngayon.

The post Vhong feeling pogi sa piling ni Pia appeared first on Abante News Online.

vhong feeling pogi sa piling ni pia - Vhong feeling pogi sa piling ni Pia
vhong 5 - Vhong feeling pogi sa piling ni Pia

Mali ang hula! Hindi si Tony Labrusca ang mapalad na lalakeng ka-partner ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sa ginagawa nitong movie project ngayon.

Ang bongga nga dahil si Vhong Navarro ang makakatambal ni Pia, ha! Kung anong movie ‘yon ay hindi pa malinaw ang detalye.

Anyway, makalipas ang halos tatlong linggo na pang­huhula ng mga fan sa post na ‘yon ni Pia ay lumabas na ang totoo.

Nag-post na rin kasi si Vhong sa kanyang Instagram ng photo na may caption na emoji ng mga camera at salitang “loading,” na ang ibig sabihin ay may dapat aba­ngang pelikula na pagbibidahan nilang dalawa ni Pia.

Mayroon ding isa pang panibagong pahapyaw si Pia sa pamamagitan naman ng Instagram story kung saan binidyohan niya lamang si Vhong habang nagse-selfie ng walang caption.

Maraming fan ang na-excite sa pasabog ng aktor at ng beauty queen, na paniguradong magiging makulit daw ang datingan ng pelikulang iyon dahil halos lahat naman kasi ng movie na pinagbibidahan ni Vhong ay napupuno ng katatawanan at kakulitan.

At siyempre, puwedeng mag-feeling pogi si Vhong ngayon sa harap ni Pia, dahil Miss Universe ang kasama niya. Puwede nga siyang maging Mr. Universe, ha! (Athena Yap)

The post Vhong feeling pogi sa piling ni Pia appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *