US porn actor natakam kay Catriona

Nabulabog ang taumbayan sa ‘di inaasahang komento ni Johnny Sins sa litrato ni Miss Universe 2018 Catriona Gray kamakailan.

us porn actor natakam kay catriona - US porn actor natakam kay Catriona
johnny sins - US porn actor natakam kay Catriona

Nabulabog ang taumbayan sa ‘di inaasahang komento ni Johnny Sins sa litrato ni Miss Universe 2018 Catriona Gray kamakailan.

Eh siyempre, si Johnny Sins ‘yon! Kilala ang mama sa kanyang mga makamandag na porn acting.

Hindi naman sexy ang litratong ibinahagi ni Catriona, basta’t sinabi nitong nasa lugar siya ng Philadelphia at unang beses lamang niya na mapadpad doon.

Bigla namang nagtanong si Johnny kung saang bahagi nito naroroon si Catriona.

“Where are you in Philadelphia?” komentong tanong ni Johnny.

Bumuhos agad ang samu’t saring reaksyon ng mga fan sa social media at lumobo rin sa mahigit 3,000 sa comment nito. Feeling ng marami ay natakam si Sins kay Cat.

“Johnny Sins maawa ka kay Catriona mahal namin siya dahil karangalan siya ng Pilipinas wag mo naman siya pagbalakan ng masama,” sabi ng isang fan.

Pero agad ding dinelete ni Johnny ang comment niya nang bigla nga itong mag-trend.

Kaya naman halos lahat ngayon ng mababasa sa comment section ay puro naghahanap sa naging paramdam ni Johnny. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *