‘Unang Hirit’ mamimigay ng bahay

Isang brand new house ang handog ng Unang Hirit sa loyal viewers nito bilang pagdiriwang ng ika-21 anniversary ng programa.

The post ‘Unang Hirit’ mamimigay ng bahay first appeared on Abante.

unang hirit mamimigay ng bahay - ‘Unang Hirit’ mamimigay ng bahay
Unang Hirit - ‘Unang Hirit’ mamimigay ng bahay

Isang brand new house ang handog ng Unang Hirit sa loyal viewers nito bilang pagdiriwang ng ika-21 anniversary ng programa.

Ang “Bagong Bahay 2021, Pag-asa at Pagbangon,” ay isang online promo na bukas sa lahat ng mga naapektuhan nang husto ng COVID-19 pandemic at ng mga nagdaang kalamidad.

Kailangan lang ibahagi ng mga gustong sumali kung paano hinarap ng kanilang pamilya ang mga pagsubok na dulot ng COVID at ng mga kalamidad, pati na rin kung paano sila unti-unting bumabangon upang itaguyod muli ang kanilang buhay. Makikita sa official Facebook page ng Unang Hirit ang link kung saan maaari ipadala ng viewers ang kanilang entry kasama ang kanilang contact details.

Sa January 8, 2021, ia-announce ng programa kung sino ang mananalo ng bagong bahay.

Bukod sa bahay, mayroon ding “Gift Me Something” na regalo ang programa kung saan makakatanggap ang winners ng GMA Affordabox at P5,000 cash. Kailangan lang ipadala ng viewers ang picture ng regalong nire-request ng UH host kasama ang contact details ng sumasaling viewer. May link din sa official UH Facebook page kung saan pwedeng ipadala ang entry. Bisitahin lang ang Unang Hirit.

https://www.facebook.com/Unang.Hirit/posts/10158704370127349

Tuluy-tuloy ang blessing na natatanggap ng tinaguriang “Pambansang Morning Show.” Kamakailan lang, pumalo na sa 3 million ang followers ng Unang Hirit sa Facebook, halos doble sa bilang noong nagsimula ang taong 2020. Congrats, UH! (Dondon Sermino)

The post ‘Unang Hirit’ mamimigay ng bahay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *