Umani ng pintas, lait: Moira walang ‘K’ mag-judge sa Bb. Pilipinas

“Na-mention lang naman,” sey ng aming amiga sa Binibining Pilipinas Charities hinggil sa napabalitang pagtanggi o pagtanggal kay Moira dela Torre bilang isa sa magiging hurado sana sa darating na Bb. Pilipinas coronation night.

The post Umani ng pintas, lait: Moira walang ‘K’ mag-judge sa Bb. Pilipinas appeared first on Abante News Online.

umani ng pintas lait moira walang k mag judge sa bb pilipinas - Umani ng pintas, lait: Moira walang ‘K’ mag-judge sa Bb. Pilipinas
ABANTE moira 3 - Umani ng pintas, lait: Moira walang ‘K’ mag-judge sa Bb. Pilipinas

abante ambuzz ambet nabus 336x224 - Umani ng pintas, lait: Moira walang ‘K’ mag-judge sa Bb. Pilipinas

“Na-mention lang naman,” sey ng aming amiga sa Binibining Pilipinas Charities hinggil sa napabalitang pagtanggi o pagtanggal kay Moira dela Torre bilang isa sa magiging hurado sana sa darating na Bb. Pilipinas coronation night.

Marami raw mga names na either in jest or seriously ay na-mention para kuning judge, at isa nga doon si Moira, ang ngayo’y kontrobersyal na singer-artist na hurado sa “Idol Philippines.”

Ikinaloka nga ng naturang number one beauty pageant group sa bansa ang maagang reaksyon ng netizen na karamihan ay nagtaas ng kilay at nag-da-hu kay Moira, na para bang allergic sila sa magaling na singer bilang hurado, lalo pa’t pagandahan ang pinag-uusapan.

Well, isa lang ang masasabi namin sa tsikang iyan, made na talaga si Moira dahil sa dami ng negang hanash sa pagiging hurado niya, aba’y pati sa beauty contest ay napag-uusapan siya.

‘Yun nga lang, mas madaming pintas kesa sa puri, hay!!!
***
Matteo 45 araw bawal makita
si Sarah

Ilang araw na lang at seryoso na ngang uumpisahan ni Matteo Guidicelli ang training niya para maging ganap siyang sundalo. Sa loob nga ng 45 days ay tututukan ni Matteo ang training na gagawin sa Camp Pecson sa Bulacan simula ngayong Mayo 27.

Sa ngayon ay may ranggong 2nd L­ieutenant ng Philippine Army si Matteo at ayon nga sa aktor, hindi na siya mapipigilan pa sa bago niyang “dream.”
Ito nga raw ang kanyang sariling paraan para magsilbi sa bansa at mas may magagawa raw siya kapag siya’y member ng Sandatahang Lakas.

Titiisin ni Matteo ang lahat ng pagsubok sa training, kasama na ang pagkakalayo niya sa pamilya, sa girlfriend niyang si Sarah Geronimo at sa mundo ng showbiz.

Isipin lang namin na bawal ang anumang komunikasyon niya sa labas at kung sa puntong emergency ay limitado pa rin ang paggamit ng telepono at iba, naloloka na kami.

Kaya nga i-wish at ipag-pray na lang natin si Matteo na makayanan niya ang lahat. Sabi nga niya, “para sa bayan.”

Sure rin naman kaming masusi nilang napag-usapan ni Sarah ang mga bagay-bagay kaya’t very soon ay mas magi-ging proud pa nga ang girlfriend kay Matteo dahil sure siyang matikas, matatag at barakong-barako ang kanyang minamahal.

The post Umani ng pintas, lait: Moira walang ‘K’ mag-judge sa Bb. Pilipinas appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *