Umamin sa vlog: Joshua ‘di bet ni Marjorie para kay Julia

Ang inang si Marjorie Barretto ang special guest ni Julia Barretto sa kanyang YouTube channel nitong Linggo ng gabi. At ang ‘Lie Detector Challenge with Mom’ ang paandar nila.

The post Umamin sa vlog: Joshua ‘di bet ni Marjorie para kay Julia first appeared on Abante.

umamin sa vlog joshua di bet ni marjorie para kay julia - Umamin sa vlog: Joshua ‘di bet ni Marjorie para kay Julia
Joshua - Umamin sa vlog: Joshua ‘di bet ni Marjorie para kay Julia

Ang inang si Marjorie Barretto ang special guest ni Julia Barretto sa kanyang YouTube channel nitong Linggo ng gabi. At ang ‘Lie Detector Challenge with Mom’ ang paandar nila.

Kung ano-anong tanong ang binato nila sa isa’t isa, na dapat ay sagutin nila ng tama. Dahil kung hindi, at isinalang na nila ang kamay nila sa naturang ‘laruan’ ay makukuryente sila.

Siyempre, napag-usapan ang tungkol sa relationship nila. Kung nakailang lalake, o karelasyon ba si Marjorie, na sinagot naman nito ng tatlo, at ‘truth’ naman ang reaksiyon ng ‘laruan’ na ginamit nilang panukat kung nagsisinungaling o nagsasabi sila ng totoo.

Hindi makapaniwala si Julia na tatlo lang ang naging seryosong karelasyon ng kanyang ina.

Anyway, tinanong din ni Marjorie si Julia kung nakailang ex-boyfriend na ito.

“Two lang!” sagot ni Julia, at sumang-ayon naman sa kanya ang laruan.

Kasunod na tanong ni Julia kay Marjorie, ‘Have you ever disliked someone I dated?’ Na sinagot agad ni Marjorie na, ‘Yeah. Hahahaha. Kaya nga ex, eh.’

Truth nga ang lumabas, at sabi lang ni Julia, ‘Okey, hahaba, isyu na naman bukas!”

“Bakit kilala ba nila lahat ng ex mo?” tanong ni Marjorie kay Julia.

“Dalawa lang naman ang ex ko! Dalawa lang sila!” giit ni Julia.

“So, mamili na lang sa isa doon. Pero `yung isa, hindi nila kilala!” sabi pa ulit ni Julia.

Meaning, si Joshua Garcia lang ang tinutukoy na hindi bet ni Marjorie, kaya nagkahiwalay ang dalawa? Dahil sabi nga ni Julia, dalawa lang ang naging ex niya, at ang isa ay hindi kilala.

“Naku, isyu na naman ako niyan!” sabi lang ni Marjorie.

Anyway, iginiit ng mag-ina na hindi sila sinungaling, at sa halip ay hindi lang sila mahilig mag-share. Magkaiba nga naman daw `yon. (Dondon Sermino)

The post Umamin sa vlog: Joshua ‘di bet ni Marjorie para kay Julia first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *