Umalma kay Digong: Liza kontra sa paglaya ng kapwa Kano

Mabilis na nag-react ang mga netizen at ilang mga sikat na personalidad matapos sabihin ni Pangulong Duterte na binigyan niya ng “absolute pardon” si US Marine Joseph Scott Pemberton na nakulong sa pagpapaslang sa Filipino transgender Jennifer Laude.

The post Umalma kay Digong: Liza kontra sa paglaya ng kapwa Kano first appeared on Abante.

umalma kay digong liza kontra sa paglaya ng kapwa kano - Umalma kay Digong: Liza kontra sa paglaya ng kapwa Kano
abante liza 1 - Umalma kay Digong: Liza kontra sa paglaya ng kapwa Kano

Mabilis na nag-react ang mga netizen at ilang mga sikat na personalidad matapos sabihin ni Pangulong Duterte na binigyan niya ng “absolute pardon” si US Marine Joseph Scott Pemberton na nakulong sa pagpapaslang sa Filipino transgender Jennifer Laude.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na si Pemberton ay maari na ngang makalaya sa pagkakabilanggo at ang kanyang good conduct time allowance (GCTA) ay hindi na isyu.

Hindi akalain ng marami na mapagbibigyan pa ang kaso na iyan at talagang marami ang nagalit sa balitang ‘yan gaya nina Liza Soberano, Bianca Gonzales, Saab Magalona, Paolo Benjamin (Ben & Ben) at marami pang iba.

“So a murder was just released for good conduct. Are we supposed to just forget that he killed Jennifer Laude because he’s done some good #JusticeForJenniferLaude #TransLivesMatter,” gigil na reaksyon ni Liza.

Ayon pa sa aktres, sa sobrang bwisit daw niya, marami siyang typo errors dahil ‘di niya na binabasa nang maigi ang tina-type niya sa sobrang galit.

Si Saab Magalona naman, labis daw ang pagkadurog ng puso para sa mga naiwang pamilya ni Laude.

Gayundin si Bianca Gonzales na damang-dama ang lungkot sa tweet.

Anyway, si Liza ay may dugong Amerikano, ha! (Athena Yap)

The post Umalma kay Digong: Liza kontra sa paglaya ng kapwa Kano first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *