‘U-Turn’ ni Kim Chiu mapapanood sa KTX.PH sa Oct. 29

Mag-bonding kasama ang pamilya o barkada ngayong Halloween sa advance screening ng Star Cinema horror movie na “U-Turn” na pinagbibidahan ng Millennial Horror Queen na si Kim Chiu, ngayong Oktubre 29 (Huwebes) sa KTX.PH, ang website para sa mga bagong palabas online.

The post ‘U-Turn’ ni Kim Chiu mapapanood sa KTX.PH sa Oct. 29 first appeared on Abante.

u turn ni kim chiu mapapanood sa ktx ph sa oct 29 - ‘U-Turn’ ni Kim Chiu mapapanood sa KTX.PH sa Oct. 29
abante kim chui - ‘U-Turn’ ni Kim Chiu mapapanood sa KTX.PH sa Oct. 29

Mag-bonding kasama ang pamilya o barkada ngayong Halloween sa advance screening ng Star Cinema horror movie na “U-Turn” na pinagbibidahan ng Millennial Horror Queen na si Kim Chiu, ngayong Oktubre 29 (Huwebes) sa KTX.PH, ang website para sa mga bagong palabas online.

Hango sa 2016 Indian movie na kaparehas ang titulo, iikot ang kwento ng “U-Turn” kay Donna (Kim), isang reporter na umaasang magkaroon ng break. Isang araw, mapupunta sa kanya ang isang kasong aakalin niya ay suicide. Ngunit matapos ang ilang araw, isang kasong katulad nito ang mangyayari.

Sa pag-asang ito ang magbibigay sa kanya ng break, sinundan niya ang mga kaso. Pero mukhang mabilis din siyang kakarmahin dahil mapapabilang ang kanyang kapatid sa mga ‘alleged suicide’ cases.

Mapapanood ng viewers ang “U-Turn” advance screening sa halagang P150 sa KTX.PH ngayong Oktubre 29 (Huwebes) at may tsansa pa silang makita ang lead stars ng movie.

Kung hindi nila maabutan ang advance screening, maari silang bumili ng ticket para mapanood ito simula Oktubre 30 (Biyernes) sa parehas na halaga. Mapapanood nila ito sa loob ng 48 hours.

Mapapanood rin ang “U-Turn” sa SKYcable Pay Per View, Cignal Pay Per View, at sa iWant TFC simula Oktubre 30. (Dondon Sermino)

The post ‘U-Turn’ ni Kim Chiu mapapanood sa KTX.PH sa Oct. 29 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *