Type bugbugin: Kampo ni Coco iritado kay Richard

Hindi pa alam ni Cardo (Coco Martin) ang totoong balak ni Lito (Richard Gutierrez) na ahasin si Alyana (Yassi Pressman) sa “Ang Probinsyano,” pero excited na ang mga fan na makita ang suntukan ng dalawa.

The post Type bugbugin: Kampo ni Coco iritado kay Richard first appeared on Abante.

type bugbugin kampo ni coco iritado kay richard - Type bugbugin: Kampo ni Coco iritado kay Richard
coco and richard - Type bugbugin: Kampo ni Coco iritado kay Richard

Hindi pa alam ni Cardo (Coco Martin) ang totoong balak ni Lito (Richard Gutierrez) na ahasin si Alyana (Yassi Pressman) sa “Ang Probinsyano,” pero excited na ang mga fan na makita ang suntukan ng dalawa.

Sa teaser, kitang-kita ang paggiging malapit nina Lito at Alyana habang tinuturuan ng lalaki ang asawa ni Cardo gumamit ng baril. Bumuhos ang galit ng fans na sinasabing maswerte daw si Lito dahil hindi nakikita ni Cardo ang mga ginagawa nito dahil tiyak na bugbog daw ang aabutin nito.

In fairness, very smooth rin kasi ang galawan ni Richard dito sa FJAP. Tinutulungan at inaalagaan na niya ang pamilya ni Cardo, kaya kahit si Alyana ay walang masabi sa moves ng ex nito.

Kahit pa pakontrabida ang pagsingit ni Lito, may mga fan din naman ang tandem nina Lito at Alyana.

Kwento nga ni Chard nung presscon niya sa pagpasok sa FJAP, ay wala raw problema ang asawa niyang si Sarah Lahbati sa sweet moments nina Lito at Alyana sa serye dahil very close friends naman daw sila ni Yassi. Wala raw awkwardness, at kilig na kilig pa nga raw si Sarah para kina Lito at Alyana. How cute naman.

Anyway, abang na lang kami kung kalian mabubuking itong si Lito. (Dondon Sermino)

The post Type bugbugin: Kampo ni Coco iritado kay Richard first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *