‘tyl’ ni Frankie mabenta sa Canada, Australia

Finally ay pinasok na nga ng anak ni Megastar Sharon Cuneta ang recording, at kahit nasa New York City siya ngayon para mag-aral, heto nga at naririnig na rin sa ere ang kanta niya na ginawa bago pa man siya umalis ng Pilipinas.

tyl ni frankie mabenta sa canada australia - ‘tyl’ ni Frankie mabenta sa Canada, Australia
frankie 2 - ‘tyl’ ni Frankie mabenta sa Canada, Australia

Finally ay pinasok na nga ng anak ni Megastar Sharon Cuneta ang recording, at kahit nasa New York City siya ngayon para mag-aral, heto nga at naririnig na rin sa ere ang kanta niya na ginawa bago pa man siya umalis ng Pilipinas.

Si Frankie Pangilinan or fondly called “Kakie”, ay matagal na ngang kumakanta, lalo na sa mga special occasion sa kanila.

Kuwento ni Kakie, lumaki siya na ang madalas pakinggan ay ang “Mr. DJ”, the first big hit of her mom. Kaya sa murang edad niya, nagawa niya itong kantahin nang buo.

“I grew up hearing ‘Mr. DJ’ performed live constantly and consistently. I have a lot of personal attachment to that song and the lovely memories it gives me,” sabi ni Kakie.

Ang “Mr. DJ” nga raw ang naging inspirasyon niya sa pagpasok sa singing after she finished high school. At yes, marunong, mahusay ring gumawa ng sariling kanta ang anak na ito ni Mega.

Katunayan ay kari-release lang ng debut single niya, ang “tyl (true young lovers),” a song she wrote, na prodyus ni Ely Buendia at released ng Curve Entertainment. At bongga dahil after a week na ma-release ito, pasok agad sa iTunes chart simultaneously in the Philippines, Canada and Australia.

Two versions of “tyl” are now out in all digital platforms – the original, mid-tempo version and an acoustic version that was originally a “rehearsal” take, but Ely recorded it somehow slow with a heartfelt rendition, so it was also released.

“I like artists with passion and imagination and fundamental artistic drive. That’s what music is about. That’s what makes it good.”

Well… (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *