TV5 dedma sa patutsada ni Kris

So, nag-post na nga si Kris Aquino tungkol sa may ibang pinili na nga ang producer at sales team ng supposed-to-be ay TV comeback niya sa TV5, kaya hindi na nga magaganap pa ‘yon.

The post TV5 dedma sa patutsada ni Kris first appeared on Abante.

tv5 dedma sa patutsada ni kris - TV5 dedma sa patutsada ni Kris
Kris Aquino 6 - TV5 dedma sa patutsada ni Kris

Jun Lalin Anything Goes 42 1 300x200 - TV5 dedma sa patutsada ni KrisSo, nag-post na nga si Kris Aquino tungkol sa may ibang pinili na nga ang producer at sales team ng supposed-to-be ay TV comeback niya sa TV5, kaya hindi na nga magaganap pa ‘yon.

May isang TV5-insider ang inusisa ko tungkol doon.

Mukhang hindi naman ang nasabing TV network ang kailangang mag-react sa post na ‘yon ni Kris dahil hindi naman sila directly ang kanegosasyon ng former TV host.

Ang production company ng former politician at kilalang businessman na si Albee Benitez na ang sinasabing magpoprodyus sana ng TV comeback ni Kris.

Sabi ng TV5 insider, ‘yung isa nga raw kasi sa na-pitch na shows sa kanila ng production company ni Albee ay show nga ni Kris.

“Specifically Kris Aquino show, pero hindi pa talaga namin alam ang details!” sabi ng kausap ko.

So, walang reaction ang TV5 sa post ni Kris dahil hindi naman sila talaga ang producer?

“Oo, gano’n na nga!” ang maigling sagot ng TV5 executive na tinanong ko.

Well, tama nga naman ‘yon.

Tama rin na si Albee o ang kanyang production team ang dapat magsalita tungkol sa pinost ni Kris sa Instagram account nito.

I’m sure naman na may magandang paliwanag ang grupo ni Albee tungkol sa bagay na ‘yon lalo na sa post ni Kris na ‘yung “somebody else” na pinili ng nasabing producer at ng sales team nito ay MORE VIABLE, huh!

Right, Dondon (my dear editor)?!

Star Magic tanggap ang paglayas ng mga artista

Kausap ko naman ang isang taga-Star Magic, ang talent management division ng ABS-CBN. Marami pa rin pala silang naiwan doon, although may ibang mga handler, road manager, etc. na na-retrench nga dahil sa hindi pagkaka-renew ng kongreso sa free TV franchise ng Kapamilya network.

Sabi ng kausap ko, “nakikiramdam” pa sila kung sino-sino ang ibang mga artistang maaaring lumipat ng ibang management team at magkaroon ng show sa TV5 o puwede rin daw sa GMA 7.

“We’re not sure. Siyempre, naglilihim din ang iba!” sabi ng katsika ko.

Pero may ibang co-manage naman ng ibang talent managers na hindi na ipapa-co-manage sa Star Magic ang kanilang mga alaga.

May narinig ako na hindi man iko-co-manage na sa Star Magic, pero nangako naman daw sa isang top executive ng Kapamilya network na makakaasang hindi naman basta lilipat sa ibang TV network.

Marami pa rin kasing mga artista ng ABS-CBN ang happy pa rin na manatili sa kanila dahil bukod sa cable channel na Kapamilya Channel, iWantTFC app, TFC (The Filipino Channel, na napapanood worldwide), ay sinusundan din para panoorin sa Facebook page at YouTube channel nila ang shows ng Kapamilya network.

In fairness sa mga loyal Kapamilya fan, hindi naman sila basta bumibitiw sa Kapamilya network at sinusundan nila ang mga show no’n sa iba’t ibang platforms!

Saka marami pa rin namang ginagawa, at gagawing shows ang Kapamilya network, huh!

Ang bongga!

The post TV5 dedma sa patutsada ni Kris first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *