TV star, sikat na showbiz personality nagli-live in na

Mismong ang mga malalapit sa isang top showbiz personality na ang nagsasabing ka-live-in na niya sa inuupahan niyang big house ang isang male TV personality na nali-link sa kanya.

The post TV star, sikat na showbiz personality nagli-live in na appeared first on Abante News Online.

tv star sikat na showbiz personality nagli live in na - TV star, sikat na showbiz personality nagli-live in na
live in - TV star, sikat na showbiz personality nagli-live in na

abante anything goes jun lalin 336x224 - TV star, sikat na showbiz personality nagli-live in naMismong ang mga malalapit sa isang top showbiz personality na ang nagsasabing ka-live-in na niya sa inuupahan niyang big house ang isang male TV personality na nali-link sa kanya.

Doon na nga sa big house na ‘yon nakatira si male TV personality.

Hindi naman lihim ‘yon sa mga taong close nila at madalas na makasama. Ang sweetness nga ni male TV personality kay top showbiz personality ay walang kapantay.

Walang pakialam si male TV personality kahit may mga kaharap sila. Kulang na lang talaga ay ikuwento na ni male TV personality sa public ang totoong relasyon na namamagitan sa kanila ni top showbiz personality.

Of course, very ob-vious din na si male TV personality ang ititira ni top showbiz personality sa bahay na ipinagagawa nito!

Sobra nga raw in love si top showbiz personali-ty kay male TV personality at sobra rin naman daw ang pagki-care ng huli sa una.

Ang wish nga ng mga kaibigan ni top showbiz personality ay si male TV personality na talaga ang forever na magmamahal sa kanilang kaibigan!

Well, ang bongga!

Nathalie Hart katakam-takam kahit may anak na

Nasa abroad pa si Nathalie Hart na nagsilang ng baby girl noong January. Pero alam n’yo ba na parang wala pa ring anak ang hitsura ni Nathalie?

Almost four months pa lang si Baby Penelope, pero ang sexy na uli ni Nathalie. Dahil nga sa hitsura ni Nathalie na parang hindi nanganak, may offers na kaagad para sa kanya.

Sabi nga ng manager ni Nathalie na si Leo Dominguez, baka raw bumalik ng bansa by June ang kanyang alaga para gumawa ng pelikula.

In fairness, lalo ring gumanda si Nathalie at fresh na fresh ang hitsura niya ngayon, huh!

Pops, Toni hindi nag-uusap kahit magkapitbahay

Nang makasama namin si Pops Fernandez sa BGC (Bonifacio Global City) last week, kinumusta ko sa kanya ang neighbors niyang si Toni Gonzaga (and husband Paul Soriano) at Solenn Heussaff (and husband Nico Bolzico)?

Sabi ni Pops, never pa niyang nakita sa village nila na malapit sa BGC ang kanyang neighbors.

Sa isang exclusive for members restaurant sa BGC daw madalas makita ni Pops si Toni at madalas na ang batian nila ay, “Hello, neighbor?!”

Sabi ko kay Pops, dapat mag-walk around the village siya and for sure makikita rin niya si Solenn na madalas na nagra-run doon, pero hindi na nga raw niya nagagawa ‘yon ngayon.
Noon kasi, mahilig ding mag-exercise si Pops.

Madalas nga kapag kausap ko siya ng umaga a few years ago, sinasabi niyang nag-e-exercise siya. Pero in fairness, sexy pa rin naman si Pops hanggang ngayon.

The post TV star, sikat na showbiz personality nagli-live in na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *