TV reporter nililigawan ni batang politiko

May tsikang nililigawan daw ng isang young politician (na from showbiz ang parents) ang isang lady TV reporter. Pareho raw kasing Christian ang dalawa.

The post TV reporter nililigawan ni batang politiko appeared first on Abante News Online.

tv reporter nililigawan ni batang politiko - TV reporter nililigawan ni batang politiko
couple 1 - TV reporter nililigawan ni batang politiko

May tsikang nililigawan daw ng isang young politician (na from showbiz ang parents) ang isang lady TV reporter. Pareho raw kasing Christian ang dalawa.

Maraming kinikilig para sa lady TV reporter nang mapabalitang magdi-“date” sila ni young politician.

Maging mag-sweethearts na kaya ang dalawa? Well, aalamin ko muna kung natuloy ba ‘yung sinasabing pagdi-“date” nila na ang source ng source ko ay isang malapit kay lady TV reporter.

Thanksgiving dinner ni Sen. Villar dinumog

Noong Friday ginanap ang thanksgi-ving dinner ni Senator Cynthia Villar courtesy ng ow-ner ng Gloria Maris sa Greenhills, San Juan. Ang mga inimbitahan doon ay ang mga nag-support kay Sen. Cynthia na dahilan para mag-number one siya noong mid-term elections.

Na-invite ako ni Mr. Willie C. Yu na close sa pamilya Villar. Invited din si Annabelle Rama na ka-table namin with Congresswoman-elect Camille Villar na sobrang giliw at hindi pa rin nakakalimutan na nakasama namin siya ni Ruffa Gutierrez sa launch ng TV5 International sa Amerika.

Sabi ni Sen. Cynthia, wala raw sa event na ‘yon si former Sen. Manny Villar dahil maaga itong gumigising at tulog na sa mga oras na ‘yon. Wala rin daw ang anak niyang si DPWH Secretary Mark Villar dahil kasama nito ang pamilya at nagpapahinga na dahil mula Monday morning ay nagtatrabaho na.

Ang panganay na anak na si Paolo Villar na siyang tumututok sa mga business nila, plus Camille nga, ang nandoroon.

Nang ipakilala ni Camille sa amin ni Tita Annabelle ang kanyang Kuya Paolo ay pabirong sinabi na, “Siya ang nakatutok sa mga business namin at ang kinikita, kami ang gumagastos. Hahaha!”

Parang mga artista rin sina Sen. Cynthia, Camille at Paolo na lahat ng mga um-attend doon ay gustong magpa-picture sa kanila.

Willie naaliw sa impersonator niya

Si Tita Annabelle, napagod din dahil napakarami ring nagpa-picture sa kanya.

Nagkita na sila doon ng BFF niyang si Mother Lily Monteverde na nakipag-picture taking din sa mga tao doon.

Ang comedian na si Eric Nicolas ang nagtsika sa akin na darating daw ang “Wowowin” host/produ-cer na si Willie Revillame na sobrang close sa pamilya Villar.

Pagdating nga ni Willie, hindi pa man siya nakakakain ay napakarami ng nagpapa-picture sa kanya. May ilan ding lumapit kay Willie at nagkuwento ng kanilang mga problema dahil kilalang generous ang TV host/producer, pero hindi lang ako sure kung may inabutan siya, huh!

Si Eric ang sumundo kay Willie sa baba ng Gloria Maris.

Sabi ni Eric, ok sila ni Willie at hindi niya nakakalimutan ang malaking utang na loob dito dahil sa break na ibinigay sa kanya.

Nang kumanta si Eric, ang “Ikaw Na Nga” ni Willie ang second song niya at gayang-gaya niya ang TV host/producer.

Pinaka-tribute ni Eric kay Willie ang “panggagaya” nito sa huli.

Mukhang naaaliw naman si Willie kay Eric.

The post TV reporter nililigawan ni batang politiko appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *