‘TV Patrol’ sa A2Z pinaplantsa na

“Inaayos pa po,” ang simpleng sagot sa amin ng isang source sa Kapamilya network tungkol sa inclusion ng TV Patrol sa soon to start na ABS-CBN shows sa A2Z Channel 11.

The post ‘TV Patrol’ sa A2Z pinaplantsa na first appeared on Abante.

tv patrol sa a2z pinaplantsa na - ‘TV Patrol’ sa A2Z pinaplantsa na
tv patrol - ‘TV Patrol’ sa A2Z pinaplantsa na

ambetabol ambet nabus 1 1 300x200 - ‘TV Patrol’ sa A2Z pinaplantsa na“Inaayos pa po,” ang simpleng sagot sa amin ng isang source sa Kapamilya network tungkol sa inclusion ng TV Patrol sa soon to start na ABS-CBN shows sa A2Z Channel 11.

Simula kasi ng pumutok ang chika at nag-post sa kani-kanilang social media platforms ang mga kilalang celebrity gaya ni Vice Ganda, et.al, marami ang nagtatanong kung kasama ang pamosong news program.

Ayon pa sa aming kausap, medyo “mabusisi” umano ang requirement kapag news program ang pinag-uusapan kaya “inaayos pa.” Kung anong klaseng pagsasa-ayos po yun, ay hindi na masyadong dinetalye ng aming kausap, though siniguro nitong nasa line-up ang TV Patrol na ngayo’y kinatatampukan nina Kabayan Noli de Castro, Henry Omaga-Diaz at Bernadette Sembrano, with Gretchen Fullido at Kim Atienza.

Failon-Chacha sa Singko plakda sa rating

Inabangan ng marami ang programa nina Manong Ted Failon at DJ Chacha nung mag-pilot ito nung Lunes, Oct. 5.

Ayon sa nakalap naming tsika, pumalo sa mataas na bilang ang nakuha nitong rating bilang pagpapatunay na may lakas pa rin ang pangalan ng pamosong broadcast journalist.

Pero nagulat at nagtaka umano ang pamunuan ng network nang sa mga sumunod na araw ay bigla itong dumausdos sa mas mababang numero, kasama na ang viewers nito mula sa social media.

“Na-curious lang marahil ang mga tao, pero mukhang hindi nga na-sustain,” ang analisa ng kausap namin na naikumpara pa ang mga kagayang obserbasyon sa naging “reception” ng mga tao sa tambalang Anthony Taberna at Gerry Baja sa DZRH na tila nakatanggap din daw ng “malamig” na reception sa mga tao o dati nilang viewers/listeners.

The post ‘TV Patrol’ sa A2Z pinaplantsa na first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *