‘Tutoy’ ni Vice Ganda ipinasilip sa mga fan

Ipinakita na ni Jose Marie Viceral o mas kilala bilang ang Unkabogable Superstar na si Vice Ganda ang kanyang pina­kabagong libro, ang “Tutoy: Ang Fantastic Kwento ng Vaklang Twoooo!!!”

The post ‘Tutoy’ ni Vice Ganda ipinasilip sa mga fan appeared first on Abante News Online.

tutoy ni vice ganda ipinasilip sa mga fan - ‘Tutoy’ ni Vice Ganda ipinasilip sa mga fan
Untitled 4 29 - ‘Tutoy’ ni Vice Ganda ipinasilip sa mga fan

Ipinakita na ni Jose Marie Viceral o mas kilala bilang ang Unkabogable Superstar na si Vice Ganda ang kanyang pina­kabagong libro, ang “Tutoy: Ang Fantastic Kwento ng Vaklang Twoooo!!!”

Sa bagong handog ng ABS-CBN Books nagbahagi ang “Gandang Gabi Vice” host ng mga kwento sa kanyang buhay kabataan, bilang si Tutoy na lumaki sa Tambunting Street sa Maynila.

“Sa librong ito inilahad ko kung sino si Tutoy nung bata, ano’ng mga naging karanasan nya, at bakit siya ganito ngayon—kung anong pinagmulan ni Vice Ganda,” kwento ng Phenomenal Box Office Star sa paglulunsad ng “Tutoy” book cover sa “It’s Showtime” noong Lunes (Abril 29).

Isa ring sorpresa ang libro para sa ina ni Vice Ganda. Aniya, “Surprise ko ito sa kanya. May magandang chapter ito tungkol sa nanay ko, yung istorya ni Aling Paquita, ang ‘IT’ girl ng Tambunting.”

Inaasahang tampok sa libro ang mas marami pang katatawanan mula sa may-akda ng bestseller na “President Vice: Ang Bagong Panggulo ng Pilipinas,” na mahigt sa 100,000 kopya na ang nabili simula nang ito ay inilunsad. (Dondon Sermino)

The post ‘Tutoy’ ni Vice Ganda ipinasilip sa mga fan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *