‘Tusok Ulo’ ni Matteo kinaloka ni Sarah

Minsan pang binaliw ni Matteo Guidicelli ang kanyang mga follower sa Instagram sa posting niya ng larawan habang nasa Viva Office siya kasama ang Viva big boss na si Vic del Rosario.

The post ‘Tusok Ulo’ ni Matteo kinaloka ni Sarah appeared first on Abante News Online.

tusok ulo ni matteo kinaloka ni sarah - ‘Tusok Ulo’ ni Matteo kinaloka ni Sarah
ABANTE matteo 1 - ‘Tusok Ulo’ ni Matteo kinaloka ni Sarah

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - ‘Tusok Ulo’ ni Matteo kinaloka ni SarahMinsan pang binaliw ni Matteo Guidicelli ang kanyang mga follower sa Instagram sa posting niya ng larawan habang nasa Viva Office siya kasama ang Viva big boss na si Vic del Rosario.

Ibinalita ni Matteo ang pagbabalik niya sa showbiz matapos ang training niya para maging reserve ng Army Ranger. Kaya siya nakipagkita kay Boss Vic ay para pag-usapan ang mga naka-line up na project niya o endorsement (isa na nga rito ang endorsement niya ng Sunlife na may launching nga­yong araw na ito sa isang hotel, na kung saan ay makakasama niya sina Piolo Pascual, Enchong Dee at Ms. Charo Santos).

Naloka ang mga fan ni Matteo sa larawan nitong nakatukod ang kanyang ulo sa concrete flooring ng Viva habang nakatingin ang naka­ngiting film producer.

Nakapormang triangle ang anggulo ng katawan ni Matteo, sa pagkakatukod ng ulo niya sa sahig at sa kabila naman ay ang dalawa niyang kamay. Nasa likod ng katawan niya nakaangkla ang dalawa niyang kamay.

Ipinapakita lang ng actor/scout ranger ang isa sa mga training na ginawa niya sa military.

“Tusok Ulo” ang tawag nila sa ganitong posisyon o paraan ng pagbati.

“Greeting my manager with the traditional #TusokUlo aka Rangers Bow. Back in the @vivaartists­agency office today to discuss future projects with Boss Vic #rangeG.”

Sa tingin pa lang sa posisyon ni Matteo, masakit ito sa ulo, kaya naman naloka pero huma­nga sa kanya ang mga supporter niya. And I’m sure, lokang-loka si Sarah Geronimo sa “Tusok Ulo” na ito ni Matteo.

Makeup talent ni Paolo ‘di kayang pantayan

Minsan pang pinatunayan ni Paolo Ballesteros ang husay niya sa pagmi-makeup, na hindi lang pangongopya ng mga sikat na personalidad sa buong mundo ang kaya niyang gawin kundi ang mag-design ng sarili niyang artwork.

Sa Instagram ng “Eat Bulaga” co-host ay makikita ang close-up shot ng kanyang mukha. Ang kalahating bahagi ng kanyang mukha ay nakatakip ng kanyang kamay at ang isa ay may butterfly design ang mata niya.

Detalyado ang pagkakaguhit ni Paolo ng artwork. Malinis ang pagkakapinta niya ng mukha at pagkakalagay ng mga kulay, isang bagay na hinahangaan sa kanya ng mga follower niya.

Walang sinabi si Paolo kung bahagi ba ito ng ginagawa nilang movie, ang “Panti Sisters” na pinagbibidahan din nina Christian Bables at Martin Del Rosario, o pinagpraktisan lang ng aktor ang pagdi-design ng ibang subject sa makeup.

Pero namumukod-tangi talaga ang talent ni Paolo, na mahirap pantayan o gayahin ng kahit sino sa showbiz.

The post ‘Tusok Ulo’ ni Matteo kinaloka ni Sarah appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *