Tumangging mag-taping: Liza mahina ang immune system

Nagpaalam na nga si Liza Soberano sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. Nagpaalam at nagpasalamat siya dahil ang primetime series nila ni Enrique Gil na “Make It With You” ay hindi na talaga magbabalik.

tumangging mag taping liza mahina ang immune system - Tumangging mag-taping: Liza mahina ang immune system
liza 12 - Tumangging mag-taping: Liza mahina ang immune system

Rose Garcia Ansabeh 25 336x175 - Tumangging mag-taping: Liza mahina ang immune systemNagpaalam na nga si Liza Soberano sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. Nagpaalam at nagpasalamat siya dahil ang primetime series nila ni Enrique Gil na “Make It With You” ay hindi na talaga magbabalik.

Ang safety raw ng lahat ang pinakadahilan kung bakit hindi na ito magre-resume kahit na ang ibang serye ay magre-resume ng taping tulad ng Ang Probinsyano.

“To all the solid followers of our show Make It With You.

“Thank you so much for embarking on the journey of Billie and Gabo. It breaks my heart to confirm that we will no longer be coming back to air. I know a lot of you are upset and looking for answers and the only explanation I can give you is genuine fear of the virus. When we were asked to resume taping on June 13, many of us had hesitations. Considering that the COVID-19 situation here in the Philippines is far from contained, there are many risks in place for me (and everyone involved) given my history of having a weak immune system. I consulted my family, my managers, and the team and we all came to an agreement that it might be for the best to not continue with the show anymore.
That, along with many other factors are the reasons why MIWY will no longer continue. I’m sorry we won’t be able to give our audience the ending they deserve. Thank you and looking forward to our next adventure.”

Ang pinag-uusapang k-drama na “The World of the Marriage” ng JTBC ang diumano’y napili ng Kapamilya network na ipalit sa Make It With You.

Ayaw sa lockdown: GMA problemado sa mga artista

Mukhang magiging malaking problema rin talaga para sa network o kahit anong production ang new normal taping. So far, wala pang naririnig mula sa Kapuso na magre-resume na ito kumpara sa Kapamilya na mas nauna nang magre-resume ng mga taping.

Ito ay sa kabila na ang ABS-CBN ay sarado pa rin at sa cable at online na lang mapapanood ang mga programa ng Dos.

Pero pinag-uusapan na rin daw talaga sa GMA ang new normal, pero kung totoo rin ang narinig namin, mukhang hindi rin lahat ng programa ng network ay makakabalik pa. Nagiging malaking limitasyon ang lockdown sa mga artista.

Napakaraming cast sa isang serye. May senior, may single, may bata. Puwede ang iba, tulad ng mga single, pero, paano yung mga senior na o mga bata sa cast?

Ganito ang nakarating sa amin na problema ng on going series ng network. Game ang ibang cast, pero hindi raw puwede talaga ang isang senior actress sa lockdown. Eh, napakaimportante pa naman ng role nito.

Nakausap din namin ang isang actress na pamilyado na. Ayon dito, na-inform na nga raw sila for a new normal ng taping. Pero tahasan niyang sinabi na hindi niya kanyang mag-comply sa lockdown. Hindi pa ipinapalabas ang serye ng actress, pero marami na itong nai-taped bago ang quarantine.

Lahat ay gustong magtuloy-tuloy ang taping dahil sa kawalan ng raket. Pero ang reyalidad, hindi rin talaga lahat, gustuhin man ay kakayaning mag-comply sa lockdown scenario.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *