Tulfo, JaMill, Ivana, Alex, Cong TV bilyon na ang kita sa YouTube

Mas lalo pang naging outlet o medium mula sa mga simpleng tao hanggang sa mga artista ang mundo ng vlogging sa pamamagitan ng YouTube.

The post Tulfo, JaMill, Ivana, Alex, Cong TV bilyon na ang kita sa YouTube first appeared on Abante.

tulfo jamill ivana alex cong tv bilyon na ang kita sa youtube - Tulfo, JaMill, Ivana, Alex, Cong TV bilyon na ang kita sa YouTube
abante youtube - Tulfo, JaMill, Ivana, Alex, Cong TV bilyon na ang kita sa YouTube

Mas lalo pang naging outlet o medium mula sa mga simpleng tao hanggang sa mga artista ang mundo ng vlogging sa pamamagitan ng YouTube.

Kaya ngayong may pandemya, kahit na walang mga raket o regular na trabaho ang ilan sa mga artista, masasabing buhay na buhay ang mga ito at ‘di-hamak na mas malaki pa ang kinikita ngayon sa pagba-vlogging.

May mga lumabas na networth o earnings ng mga Top celebrity vloggers sa bansa, pero lahat ng mga ito ay unofficial. Wala naman isa man sa kanila ang talagangf nagde-declare ng totoong income nila. Pero nakalulula kung ang mga reported networth nga nila dahil million dollars at billion peso ang pinag-uusapan.

Ang kilala sa pagiging matapang na broadcast journalist na si Raffy Tulfo sa kanyang official You Tube account na Raffy Tulfo in Action ay may pinakamarami subscribers sa bansa. Meron itong 14.9 million subscribers as of today. May unofficial report na ang net worth niya ay may mahigit na $42 million o 2.1 billion pesos.

Susunod naman sa kanya bilang Top 2 You Tube earner ay ang number one You Tube couple daw in Southeast Asia na sina JaMill ng mag-jowang Jayzam Manabat at Camille Trinidad.

Meron na silang 11.1 million subscribers at ang balitang networth nila ay $5.5. million o 280 million pesos. Minsan na namin silang tinanong sa earnings nila at kung totoo nga ang naka-publish na $5.5 million pero parehong tumanggi ang dalawa na pag-usapan ito. Ayon sa kanila, basta usaping pera ay ayaw niyang pag-usapan.

Both 22 year old at halos tatlong taon pa lang ang vlog nila, pero may napakalaking bahay na napagawa, mamahaling sasakyan at ngayon ay nabili na rin ang katabing lupa at pinapa-extend pa ang bahay at balita naming pinalalagyan na rin ng swimming pool. Bukod pa sa couple account nila, meron pa silang individual na You Tube account. Tina-tap na rin silang mga brand endorsers at nag-release na rin ng kanilang single under Star Music.

Top 3 naman ang sexy actress na si Ivana Alawi. Halos bago pa lang itong nagba-vlog with only 63 videos pero ang subscribers niya ay sumampa na agad sa 9.21 million. Napakaraming nalagpasan ni Ivana na dati nang mga vloggers.

Posibleng ang networth niya na ngayon ay nasa $ 5 million o mahigit 250 million pesos. No wonder, kahit na wala itong masyadong raket at nagsara pa ang Kapamilya network, nagpapatayo ito ng 3-storey house at niregaluhan din ang kapatid na lalaki ng lote malapit sa pagtatayuan ng bahay niya.

Ang Top 4 Pinay You Tuber naman ay ang actress na si Alex Gonzaga. Nabanggit nga nito sa isang vlog niya na noong una, hindi siya confident kung makaka-achieve man lang siya ng 1,000 followers, pero as of today, meron na siyang 8.59 million subscribers out of her 155 videos.

Ang nababalitang networth niya ay $3.9 million o nasa nasa 198 million pesos. Pero posibleng mas malaki pa ito ngayon dahil ang pinagbasehan ng report ay noong mahigit 5 million pa lang ang subscribers niya.

Ang pang-lima naman among the celebrities na Top You Tuber ay si Cong TV na nasa 6.75 million na ang subscribers. Posibleng ang networth na nito ngayon ay nasa mahigit na $2 million dollars.

Sumusunod sa kanya ang namayapang vlogger/author na si Lloyd Cafe Cadena at si Will Dasovich.

Kung bibisitahin ang mga vlogs nila, halos lahat sa kanila, ang mga contents ay yung everyday life nila o mga videos na nakakapagbigay aliw sa mga manonood.

Nagsisilbi silang inspirasyon sa karamihan kaya naman halos lahat na yata ngayon, lalo na sa mga artista ay gumawa na ng sarili nilang You Tube channel. (Rose Garcia)

The post Tulfo, JaMill, Ivana, Alex, Cong TV bilyon na ang kita sa YouTube first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *