Tropa na nina SethDrea, KyCine: Pacquiao, Cruz, Picache bida na sa ‘The Squad Plus’

Lalo pang lumalaki ang barkada at fanbase na binuo ng “Kadenang Ginto” stars na sina Seth Fedelin, Andrea Brillantes, Kyle Echarri, at Francine Diaz dahil mula sa grupo nilang “The Gold Squad,” 16 na pala sila ngayon sa grupo na ngayon ay “The Squad Plus” na ang pangalan.

The post Tropa na nina SethDrea, KyCine: Pacquiao, Cruz, Picache bida na sa ‘The Squad Plus’ first appeared on Abante.

tropa na nina sethdrea kycine pacquiao cruz picache bida na sa the squad plus - Tropa na nina SethDrea, KyCine: Pacquiao, Cruz, Picache bida na sa ‘The Squad Plus’
gold squad - Tropa na nina SethDrea, KyCine: Pacquiao, Cruz, Picache bida na sa ‘The Squad Plus’

Lalo pang lumalaki ang barkada at fanbase na binuo ng “Kadenang Ginto” stars na sina Seth Fedelin, Andrea Brillantes, Kyle Echarri, at Francine Diaz dahil mula sa grupo nilang “The Gold Squad,” 16 na pala sila ngayon sa grupo na ngayon ay “The Squad Plus” na ang pangalan.

Ipinakilala na nitong buwan lamang ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN ang 12 new members ng bagong grupo na kinabibilangan ng bagong six girl members at six boy members.

Kasama sa mga aabangang “squadmates” ang eldest son nina Manny at Jinkee Pacquiao at rapper/vlogger din na si Jimuel Pacquiao.

Maraming aabangang vlogs at offerings ang YouTube channel ng The Squad Plus, tulad ng pranks at nakakakilig na games, kung saan mayroon na silang 2.65 million subscribers na. Kabilang ito sa most subscribed channels ng ABS-CBN.

Kasama rin sa bagong barkada sina Sam Cruz, anak nina Sunshine Cruz at Cesar Montano; dating cast member ng “Kadenang Ginto” na si Danica Ontengco; Anji Salvacion, na sumikat dahil sa viral niyang audition para sa “Idol Philippines”; at si Nio Tria, ang only son ni Cherry Pie Picache.

Makakasama rin nila sina Alyanna Angeles, Margaux Montana, Angelica Lao, Renshi de Guzman, KD Estrada, Raven Rigor, at Lance Carr.

Every Monday maglalabas ng YouTube vlog ang bagong squadmates. Last week, nagpakilala na ang new girl members sa video nilang “10 Things about our new squad – Girls Edition.” At noong Enero 11, mas nakilala pa ng mga fan ang bagong boy members sa sarili nilang vlog.

Tuwing Martes naman aabangan ang vlog ng SethDrea, habang tuwing Biyernes naman magpapakilig ang KyCine sa kanilang vlog.

Bukod sa kanilang vlogs, may upcoming Kapamilya teleserye rin ngayong taon ang KyCine at SethDrea na “Huwag Kang Mangamba.” May bagong squadmates kayang makakasama sa new project nilang ito? (Dondon Sermino)

The post Tropa na nina SethDrea, KyCine: Pacquiao, Cruz, Picache bida na sa ‘The Squad Plus’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *