Trip ni Alden binasag ng pasaway na fan: ‘Patunayan mong hindi ka beki!’

Shookt ang mga fan ni Alden Richards kahapon, dahil biglang-bigla, super-reply ang Pambansang Bae sa mga mensahe nila sa Instagram. Duda nila, si Alden ba talaga ang sumasagot sa kanila?

The post Trip ni Alden binasag ng pasaway na fan: ‘Patunayan mong hindi ka beki!’ appeared first on Abante News Online.

trip ni alden binasag ng pasaway na fan patunayan mong hindi ka beki - Trip ni Alden binasag ng pasaway na fan: ‘Patunayan mong hindi ka beki!’
alden - Trip ni Alden binasag ng pasaway na fan: ‘Patunayan mong hindi ka beki!’

abante paistaran dondon sermino 336x224 - Trip ni Alden binasag ng pasaway na fan: ‘Patunayan mong hindi ka beki!’Shookt ang mga fan ni Alden Richards kahapon, dahil biglang-bigla, super-reply ang Pambansang Bae sa mga mensahe nila sa Instagram. Duda nila, si Alden ba talaga ang sumasagot sa kanila?

Na mukha namang oo, si Alden nga ‘yon, at pinatunayan ‘yon ng mga taong malalapit sa kanya.

Pero ‘yun na nga, shookt sila, at masaya siyempre:

joshuayran: “Nasa mood sumagot si Alden! Hahahaha! Baka naman pwede pa-shoutout sa mommy ko na super fan mo! @_audracious_ .. Salamat soyti!”

imbut5: “Ganyan dapat Alden may interaction ka sa fans. Little things mean a lot, you know!”

_phoenix_warrior: “Sipag mo yata paps sa pag reply, infer, (heart emoji) namin yan. Stay happy and a lovely morning to you as well.”

arfo2: “Nanaginip ba ako? Alden Richards ang sipag mag comment love you dude. Tuloy mo lng yan.”

rhaneblush: “Ang galing ni idol talagang nag re-reply ka sa mga comments. We appreciate your effort though ala naming super busy ka. Like you, I also wish to travel again. sna single ron ako gaya mo, but i have 3 kids now. hoping for all the best for people like you who have a heart beating for others.”

Pero, sadyang hindi mawawala ang mga pasaway, ha! At heto nga, biglang humirit ang isang ito na…

urisantiago01: “Ikaw na lang walang gf sa mga tropa mo. Patuna-yan mo sa mga bashers na hinde ka beki sana me matipuhan ka na na babae para ligawan at maging gf. Tutal secured na family mo financially kaya wala nang excuses para hinde magka-girlfriend. Gustong-gusto ka ng ermats ko kaya sana mapatunayan mo na hinde ka beki para hinde na rin nasasaktan nanay ko pag tinatawag ka ng iba na ganun.”

Oh, di ba? Lakas makabasag-trip nito. Na parang ‘pag bading ang isang tao, malaking kabawasan na agad at hindi na dapat hangaan, ha!

Anyway, hindi rin siyempre patatalo ang mga nagmamahal kay Alden, kaya super reply, banat din sila sa pa-saway na sumira ng trip ni Alden.

josemanalolang: “@urisantiago01 Hindi naman siguro problema ni Alden Richards kung may problema ang iba sa gender nya. Bakit kailangan nyang magpatunay ng kahit na ano saga taong ni hindi nga nya kilala o hindi sya kilala ng personal.”

powlkers: “@urisantiago01 mas inuuna nya ang family nya dahil ga-ling sya hirap. kapag walang gf bakla agad? kung bakla sya hndi matatangap ng tao? bakit sakit ba un? Walang masama sa pagiging ganon kaso hindi po sya bakla. Hindi need ng gf para sabihin na hindi sya beks, may iba dyan na may gf pero beks. Haya-an nyo si A maghanap ng babaeng mamahalin nya may magandang attitude.”

At sorry na lang sa kanya, dahil habang isinusulat ko ito, hindi siya sinagot ni Alden. Doon na rin natigil ang pagri-reply ni Alden sa mga fan niya.

Well…

Enchong sangkatutak ang problema

Bibigyang-buhay ni Enchong Dee ang kuwento ng isang lalaking buong pusong isinakripisyo ang sarili para sa magulang at kapatid habang pilit pinupunan ang responsibilidad bilang ama sa sariling pamilya sa pagbubukas ng ika-28 anibersaryo ng “MMK” ngayong Sabado (June 8).

Lumaking sabik sa pagkalinga si Melvin (Enchong) dahil sa pagbuhos ng pag-aaruga ng mga magulang niya sa kapatid niyang si Michael (Zaijian Jaranilla) na may cerebral palsy.

Dahil dito, nangako siya sa sarili na ibibigay niya ang kanyang buong atensyon sa magiging pamilya at hindi ipaparanas ang kanyang pinagdaanan.

Ngunit nabigo siyang tuparin ito dahil sunod-sunod na unos ang nagtulak sa kanyang pumili sa pagitan ng kanyang pamilya at buhay-may asawa.

Una rito ang pagkakaroon ng malubhang sakit ng kanyang ama na dumagdag sa kargo niya sa pagbubuntis ng asawa. Sinundan pa ito ng balitang may autism ang kanyang anak habang nagpapagaling mula sa kidney operation ang kanyang nanay, dahilan para siya ang sumalo sa responsibilidad na ala-gaan ang may sakit na kapatid.

Dahil sa pagsulpot ng sari-saring problema, masusubok din ang relasyon ni Melvin sa asawa dahil sa oras na inaagaw ng kanyang pamilya mula sa kanila.

Mas mala-king unos din ang haharapin niya dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, mamamatay ang kanyang ama at kapatid na magdudulot sa kanya ng lubos na paghihinagpis.

Paano nga ba maka-kabangon si Melvin mula sa paghihirap na kanyang dinaranas?

The post Trip ni Alden binasag ng pasaway na fan: ‘Patunayan mong hindi ka beki!’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *